Sarah magiging 'authentic' sa kanyang pagbabalik: "Hindi naman sa for the longest time ay fake na Sarah..."

Sarah magiging 'authentic' sa kanyang pagbabalik: "Hindi naman sa for the longest time ay fake na Sarah..."

Sarah magiging 'authentic' sa kanyang pagbabalik: "Hindi naman sa for the longest time ay fake na Sarah..."


 - Ginulat ni Sarah Geronimo ang kanyang mga fans at followers matapos mag-upload ng update sa kanyang buhay

- Ayon sa kanya, mas 'authentic' at 'sincere' na Sarah na ngayon ang makikita ng tao sa kanyang pagbabalik sa showbiz

- Ngunit nilinaw naman niyang hindi fake na Sarah ang pinapakita niya ngunit unti-unti niyang ipapakita ang Sarah na 'mas tao'

Blooming na Sarah Geronimo ang bumungad sa mga tao matapos nitong magbigay ng update sa kanyang sarili sa social media na may pamagat na 'Sarah G. Update'.

Sa tatlong minutong video, tila nagpapahiwatig na ang popstar royalty sa pagbabalik niya sa industriya kung saan magiging mas 'authentic' at 'sincere' na Sarah ang makikita ng mga fans.

"I'm not trying so hard to give them a new Sarah G. era. Siguro, growth lang as an artist. And when you say growth, I really want to be true to myself. Songs that really speak to my heart and soul na rin 'cause for the past years, I have been selecting songs. Hindi ako ganu'n ka-active sa songwriting but always naman nandudu'n 'yung collaboration.

"Collaborative 'yung relationship ko with the songwriters and, arrangers, producers. But now, nagbibigay ako ng mga concept and then if there's tweak na alam kong manggagaling talaga, mas authentic sa'kin then, I do it,” pahayag ng Kapamilya star.

Gayunpaman, nilinaw naman niyang hindi naman fake na Sarah ang pinapakita niya sa simula pa lang ngunit mas mas ipapakita niya ngayon ang 'mas tao' na Sarah Geronimo.

"There's excitement. There's also konting fear.

“Parang pinapakita ko unti-unti. Hindi naman sa for the longest time ay fake na Sarah 'yung nakikita nila. Siguro 'yung Sarah lang na mas tao. Na hindi natatakot na ipakita kung nalulungkot siya, kung natatakot siya, kung masaya siya, especially kung masaya siya,” paliwanag nito.

Inaabangan naman ngayon ng mga fans kung makakasama ang popstar royalty sa Christmas Station ID ang ABS-CBN ngayong taon na may pamagat na 'Tayo Ang Ligaya ng Isa't-isa'. Kasama kasi ito noong isang taon para sa 'Andito Tayo Para Sa Isa't-isa' Christmas ID.