Vhong Navarro, seen lamang sa kaibigang hiningian niya ng tulong?

Vhong Navarro, seen lamang sa kaibigang hiningian niya ng tulong?

Vhong Navarro, seen lamang sa kaibigang hiningian niya ng tulong?
- Usap-usapan ngayon ang patungkol sa isang kaibigan ni Vhong Navarro

- Ayon sa chika ni Ogie Diaz ay sineen lamang nito ang mensahe ni Vhong Navarro sa kaniya

- Kung kailan umano kinakailangan siya ni Vhong ay hindi siya nito pinansin

Naging usap-usapan kamakailan lamang ang patungkol sa naging kwento ng showbiz manager at YouTube vlogger na si Ogie Diaz sa kaniyang showbiz balita.

Ibinahagi kasi nito ang usang importanteng bahagi ng pakikipag-usap umano ni Vhong Navarro sa isa sa mga kaibigan niya.

Kasalukuyan kasing nasa kulingan ngayon si Vhong Navarro kaugnay pa rin sa kasong inihain sa kaniya ni Deniece Cornejo.

Ayon sa kwento ni Ogie Diaz ay may nilapitan ngang kaibigan si Vhong Navarro upang mahingian niya ng tulong sa kinakaharap niyang sitwasyon ngayon.

"Ang alam ko meron pa siyang hiningan ng tulong. Nagbakasakali siya na matulungan siya," kwento ni Ogie.

Sinagot naman umano siya nito noong una at saka siya sinabihan o ipinasa sa iba pa na pwedeng tumulong sa kaniya.

Nang mag follow-up umano si Vhong sa paghingi niya ng tulong ay tanging pag seen na lamang sa kaniyang mensahe ang naging pagitan sa kanilang dalawa.

"Hay naku, siyempre doon mo mate-test ‘yung mga tunay mong kaibigan sa panahong kailangang-kilangan mo sila," ang nasabi na lamang ni Ogie Diaz dahil sa pangyayari.

Panoorin ang kwento rito: (Jump at 23:30)