Vhong Navarro ayon sa kaniyang asawa, "Sobrang Emotional na niya... Humahagulgol na siya.."

Vhong Navarro ayon sa kaniyang asawa, "Sobrang Emotional na niya... Humahagulgol na siya.."

Vhong Navarro ayon sa kaniyang asawa, "Sobrang Emotional na niya... Humahagulgol na siya.."
- Nagbahagi ng ilang update si Tanya ukol sa nararamdaman ngayon ng kaniyang asawa

- Nang bisitahin niya ito ay nakapanayam niya ang asawa

- Ibinahagi nito ang pagiging emosyonal ni Vhong na napapahagulgol na lamang umano sa pag-iyak

Sa isang panayam sa kaniya ay ibinahagi ni Tanya ang ilang mga tagpo sa pagitan nila ng asawang si Vhong, na ngayo'y kasalukuyang nakakulong.

Ibinahagi nito ang pagiging madamdamin ni Vhong dahil pa rin sa pangyayari.

Sabi niya, ‘Hindi ko kayang maging komedyante ngayon.' Pinipilit niyang kumain. So, 'yung visit ko sa kanya, kasi nga, parang nagka-catch up kayo. Kailangan ko siyang i-update in terms of 'yung mga ano sa case.

"Sobrang ang dami niyang tanong. ‘Kumusta na si Yce? Kumusta ka?’ 'Yung mga ganoon. 'Tapos, gusto mong kuwentuhan bigla ng mga light naman kasi masyado nang bumibigat. Tapos ayun, umandar 'yung oras na kailangan ko na, nu'ng kailangan ko nang umalis, sobrang hagulgol na siya," kwento nito.

"Sobrang emotional na niya. Dinig ko talagang humagulgol na siya. Kasi, 'yun na. First time 'yung ganoon. Kasi nga mag-isa siya. Sabi ko nga sa iyo, bumabalik na naman 'yung trauma niya," dagdag pa nito na inaming bumabalik balik ang trauma na naramdaman noon ni Vhong.