Vice Ganda naghain ng panalangin para sa magsasaka sa isang viral video

Vice Ganda naghain ng panalangin para sa magsasaka sa isang viral video

Vice Ganda naghain ng panalangin para sa magsasaka sa isang viral video
- Sa isang viral tweet ay mapapanood ang nakakalungkot na video ng isang magsasaka

- Para ito sa kasagsagan ng pagpasok ng bagyong Karding sa bansa

- Ibinahagi naman ni Vice ang naturang tweet saka nag alay ng panalangin

Viral sa twitter ang isang video patungkol sa isang magsasaka na nangangamba para sa kaniyang pananim dahil sa pagpasok ng mapaminsalang bagyong Karding.

Nalulungkot ang magsasakang mula sa Nueva Ecija sa maaaring sapitin ng kaniyang tanim dahil sa pagpasok ng Karding sa bansa.

"I'm crying my heart out watching this, a video from one of the hardworking farmer here on my province .Oh God..please keep us safe #KardingPH," sabi ng netizen na nagpost sa nasabing video.

Ni retweet naman ito ng It's Showtime host na si Vice Ganda saka nag alay ng panalangin para sa mga magsasaka.

"Panginoon hinihiling po namin ang kaligtasan ng mga magsasaka at ng kanilang mga pananim. Sagipin nyo po sila. Amen," sabi ni Vice sa kanyang tweet.