Netizens, natawa sa hirit ni Regine kay Vice: "balak niyo lang utangan..."

Netizens, natawa sa hirit ni Regine kay Vice: "balak niyo lang utangan..."

Netizens, natawa sa hirit ni Regine kay Vice: "balak niyo lang utangan..."


 - May hirit ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa picture ni Vice Ganda sa hallway ng ABS-CBN

- Makikita sa picture kung paano tignan nina Regine at Robi si Vice at saka humirit ng tungkol sa pangungutang

- Napa-comment din ang unkabogable superstar sa post ni Regine habang aliw na aliw ang netizens

May panibagong post ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez habang nakatingin sa nakakamanghang kagandahan ng nag-iisang unkabogable superstar na si Vice Ganda.

Umani ng halakhak ang post ni momshie Regine kung saan makikitang nakatingin sila sa picture ni meme Vice sa hallway ng ABS-CBN.

Kasama niya rin si Robi Domingo na napa-comment din sa nasabing post.

Caption niya, "Yung hindi niyo masyadong mapagtanto kung nagagandahan kayo sa mayaman niyong office mate o balak niyo lang utangan."

Natawa naman ang mga netizens sa caption ni Regine at nag-reply din sa post si Vice Ganda. Aniya, "Sumainyo ang kapangyarihan ng Mahal na Bertud!"

Mapapanood si Regine Velasquez tuwing umaga sa 'Magandang Buhay' habang si Vice Ganda naman ay mapapanood sa 'It's Showtime' tuwing tanghali.