Barbie, 'fully-healed' na raw mula sa kanyang recent breakup

Barbie, 'fully-healed' na raw mula sa kanyang recent breakup

Barbie, 'fully-healed' na raw mula sa kanyang recent breakup


Ibinahagi ni Barbie Imperial ang kanyang pinagdaanan para tuluyang makamove-on sa kanyang breakup kamakailan.

Matatandaang kinumpirma ni Barbie ang hiwalayan nila ng aktor na si Diego Loyzaga noong Pebrero ngayong taon.

Sa programang 'Magandang Buhay,' inamin ng Kapamilya actress na hindi naging madali para sa kanya na tuluyang paghilumin ang sugat mula sa naunsyaming relasyon. 

"It took me months maging fully healed. Last month lang before my birthday. Kasi nalaman ko na hindi pa ako fully healed. Kasi nung nag-break kami ng ex ko parang I tried to go out with someone, date lang walang anything, walang label, walang ano. Tapos na-feel ko na 'ay hindi ko pa kaya.' So medyo nag-hold back ako," matapang na pag-amin nito.

Ayon kay Barbie, gusto niyang ayusin at pagalingin muna ang sarili bago mag-commit sa bagong relasyon.

"Tapos sinabi ko sa guy na 'sorry, I am not ready pa pala, parang I need to heal myself first, bago ako pumasok sa bagong relationship.' Kasi it's very important na buo ka, mag-heal ka muna alone, kasi masasaktan mo 'yung ibang tao if you don't heal," wika ng 24 taong gulang na aktres.

Sa kasalukuyan umano ay nakamit na umano ng aktres ang kanyang hinahangad na tuluyang paghilom.

"Ngayon fully healed na ako," proud na saad ni Barbie.

"Minsan kasi gigising ka na lang akala mo okay ka na tapos paggising mo 'ano ba 'yan 'di pa rin pala.' So lately okay naman po ako na gumigisin," paliwanag niya.

Sa isang panayam noong Pebrero, sinabi ni Barbie na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Diego.

"Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay. I think it's for the better naman. And even si Diegs naman alam niya naman 'yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart,"  aniya.