Vice Ganda ipinasilip ang pinakabagong bihis na set ng It's Showtime

Vice Ganda ipinasilip ang pinakabagong bihis na set ng It's Showtime

Vice Ganda ipinasilip ang pinakabagong bihis na set ng It's Showtime
Sa kaniyang latest vlog ay ipinasilip ni Unkabogable Star Vice Ganda ang pinakabagong bihis ng It's Showtime studio.

Sa panimulang bahagi ng kaniyang vlog ay ipinaliwanag niyang sa nagdaang linggo ay namalagi muna sila sa ASAP studio upang paghandaan ang pagbabagong bihis ng kanilang sariling studio.

Ipinaliwanag niyang bilang paghahanda sa mas magandang mga pasabog ay minabuti na nilang baguhin ang set up ng studio.

Isiniwalat naman ng direktor ng programa na si Direk Jon Mall na Disyembre pa lamang ng mapag-usapan nilang lahat ang pagbabagong bihis na ito.

Sa ipinasilip ni Vice ay makikita ang maaliwalas na bagong studio kung saan mayroon umanong club vibes, dahil kagaya ng pagpunta sa club ang programa na puno ng happiness.

Namumutawi naman ang kulay asul sa studio na siyang main motif umano nila para maipakita ang calmness ng programa sa kabila ng puno ng kasiyahan.

Panoorin at silipin ang buong studio tour ni Vice Ganda rito: