Coco Martin at Julia Montes, ire-remake ang 'Batang Quiapo' ni FPJ?

Coco Martin at Julia Montes, ire-remake ang 'Batang Quiapo' ni FPJ?

Coco Martin at Julia Montes, ire-remake ang 'Batang Quiapo' ni FPJ?


 - Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang ire-remake umano ni Coco Martin ang hit movie ni FPJ na 'Batang Quiapo' 

- Katambal ni FPJ sa 'Batang Quiapo' si Maricel Soriano bilang Maria na 'di umano'y bubuhayin ni Julia Montes sa bagong remake

- Ito rin umano ang ipapalit sa longest-running teleserye ni Coco na 'FPJ's Ang Probinsyano' na matatapos na ngayong August 12.

May bagong aabangan ang mga 'Ang Probinsyano' solid viewers dahil may bago 'di umanong ireremake ang Kapamilya star na si Coco Martin sa isa sa mga hit movies ni Fernando Poe-Jr.

Ang 'Batang Quiapo' ni FPJ ang napapabalitang gagawan ng teleserye remake ni Coco kung saan makakatambal niyang muli ang kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes.

Sa orihinal na bersyon ni FPJ sa Batang Quiapo, nakasama niya rito bilang kanyang leading lady ang 'diamond star' na si Maricel Soriano bilang Maria at siya naman bilang Baldo.
Ito rin daw ang 'pamalit' ni Coco Martin sa magtatapos niyang seryeng 'Ang Probinsyano' na talagang minahal ng mga manonood sa loob ng mahigit pitong taong nasa ere. Magtatapos na ito ngayong August 12 na papalitan ng 'Darna' ni Jane De Leon ngayong August 15.

Kung sakaling magkatotoo ang balitang ito, siguradong ang 'Batang Quiapo' ni Coco ang isusunod sa 8PM timeslot na ngayo'y kukuhanin na ng highly anticipated Darna.