Melai sa pamamaalam ni Karla sa Magandang Buhay: "Kahit ayaw ka namin..."

Melai sa pamamaalam ni Karla sa Magandang Buhay: "Kahit ayaw ka namin..."

Melai sa pamamaalam ni Karla sa Magandang Buhay: "Kahit ayaw ka namin..."

 

- Tanggal na at opisyal nang nagpaalam ang dating 'Magandang Buhay' momshie na si Karla Estrada sa mga Kapamilya sa mahabang panahon nitong pagiging host ng programa

- May mensahe naman ng pagsuporta ang kanyang mga kaibigang sina momshie Jolina at Melai lalo na't hindi na nila ito makakasama sa morning talkshow

- Nag-uumapaw naman ang puso at babaunin umano niya ang mga aral na nakuha niya sa Magandang Buhay

"Kahit ayaw ka namin umalis ka rito, pero ang hangad mo ‘yung kabutihan ng tao, so ito ibibigay namin sa iyo. Nandito lang kami para sa iyo."

Iyan ang isa sa mga tumatak na mensahe ni momshie Melai sa kanyang momshie Karla na ngayo'y aalis na bilang host ng Magandang Buhay sa loob ng halos anim na taon.

Nitong Biyernes, July 22, ay nagkaroon ng special episode ang nasabing Kapamilya morning talkshow upang opisyal na magpaalam si Karla sa mga viewers nito na hindi na siya mapapanood pa bilang host ng programa. 

Siyempre, hindi mawawala ang mga mensahe sa kanya ng mga kaibigan niyang sina Jolina at Melai na kanya-kanyang nagpakita ng suporta sa kanya at sa kanyang naging desisyon.

“Very, very happy kami Momshie Karls kasi talagang mula umpisa ito na yung kwinento mo sa amin. Nakikita namin na isinasabuhay mo yung pinagdaanan mo dati na itinuro mo sa mga anak mo hanggang ngayon isinasabuhay mo yung pagtulong,” pahayag sa kanya ni Jolina.

Dagdag pa nito,“Hindi na yun pwede tanggalin sa iyo at hindi na yun mananakaw, totoo ka sa mga tao. Very proud kami sa iyo dahil ito ay ginagawa mo na freely and very happy kami para sayo dahil nandito ka na sa mundong gusto mo. Alam mong nandito lang kami para sayo.”

Para naman kay momshie Melai, kahit ayaw niya pang umalis si Karla, ay 'go' lang siya sa gusto nito na hangad ay kabutihan ng tao.

“Ito kasi yung gusto niya yung makatulong sa iba hindi lang dito sa Magandang Buhay kundi sa labas pa. Kami dito sa Magandang Buhay, kaibigan mo kami dito. Kahit ayaw ka namin umalis ka rito, pero ang hangad mo ‘yung kabutihan ng tao, so ito ibibigay namin sa iyo. Nandito lang kami para sa iyo,” saad ni Melai.

Tugon naman ni Karla, “Nag-uumapaw ang puso ko sa pasasalamat. Babaunin ko sa bagong yugto ng aking buhay ang mga itinuro ng kwento ng aking Magandang Buhay.

“Thank you Momshie Jols and Momshie Mels dahil sa journey natin na may pare-pareho tayong hinarap. Alam ko na hindi ako nawala sa isip n’yo, at kayo naman dalawa ay hindi nawala sa isip ko.

“Naging mabigat ang desisyon pero mas naging matimbang ang pag-unawa ng isa’t isa.” pahayag pa niya.