AJ Raval, viral nang mag-react siya sa balitang nabuntis siya ni Aljur Abrenica!

AJ Raval, viral nang mag-react siya sa balitang nabuntis siya ni Aljur Abrenica!

AJ Raval, viral nang mag-react siya sa balitang nabuntis siya ni Aljur Abrenica!
- Nag-react ang aktres na si AJ Raval sa balitang siya'y buntis na iginigiit sa kanya ng mga 'marites' na netizens

- Pinabulaanan ito ni AJ at sinabing grabe na umano ang mga tsismis na ipinapakalat sa showbiz world

- Sa Facebook post ng social media personality na si Senyora ay dito niya ipinakita ang naging sagot sa kanya ni AJ kung totoong buntis ito

Maraming mga netizens ang gumagawa ng tsismis sa social media upang mapag-usapan. Kabilang na nga rito ang sexy actress na si AJ Raval na ginawan ng isyu ng mga marites na siya'y buntis.

Ang 'di umano'y ama raw sa ipinagbubuntis ni AJ ay ang rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica na siyang madalas niyang kasa-kasama sa mga stolen na litrato nila sa internet.

Kaya naman gumawa na ng hakbang ang social media personality na si Senyora upang linawin na ang haka-hakang nakapalibot kay AJ Raval.

Sa Facebook post nitong may caption na "Itabi n’yo Philstar. Ako na! Inalam ko na mismo sa source," ay ibinahagi niya ang kanilang convo ni AJ kung 'true stone' ba ang chikang buntis siya.

"Omg hahaha. Grabe na showbiz hahaha. Not true," malinaw na sagot sa kanya ni AJ.