Skusta Clee, pinagtawanan ng netizens dahil sa pagpapalit niya ng lyrics ng 'Zebbiana': "puyat na iguana..."

- Pinagtawanan ng netizens ang video ni Skusta Clee kung saan makikitang kumakanta siya ng 'Zebbiana' sa isang pagtitipon kamakailan

- Mapapansin din dito na iniba niya ang lyrics ng kanta na siya namang ni-react-an ng mga netizens na nakarinig

- Matatandaang ang kanta niyang 'Zebbiana' ay para kay Zeinab Harake na dati niyang kasintahan

Viral na naman ang rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang 'Skusta Clee' sa kanyang pag-iiba ng lyrics sa kanyang trending song na 'Zebbiana'.

Ang Zebbiana niyang kanta ay cinompose at isinulat niya pa para sa kanyang ex-girlfriend na si Zeinab Harake na ngayon ay viral din sa kanilang isyu ni Skusta.

Ang orihinal na lyrics ng Zebbiana ay may linyang "ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko" na siya namang pinalitan niya ng "sayang 'di na ikaw ang baby ko, ang baby ko..." 

Ngunit sa isang video niya na kinakanta ito na uploaded sa Facebook, tila hindi nagustuhan ito ng netizens at pinutakte ang kanyang bagong bahagi ng kanta.

Matatandaang pinangalanan siya ng mga 'marites' bilang 'di umano'y 'cheater'.