'All Smiles' si Gerald Anderson matapos na makuha ni Julia ang bouquet, sunod na ikakasal na ba?

'All Smiles' si Gerald Anderson matapos na makuha ni Julia ang bouquet, sunod na ikakasal na ba?

'All Smiles' si Gerald Anderson matapos na makuha ni Julia ang bouquet, sunod na ikakasal na ba?
- Viral ang naging reaksyon ni Gerald Anderson para sa kasintahang si Julia Barreto

- Sa kasal ng kanilang kaibigang si Joe ay kabilang sila sa mga bisita

- Sa isang nakakatuwang pangyayari ay ibinigay ng bride ang bouquet kay Julia Barreto

All Smiles ang kapamilya actor na si Gerald Anderson matapos na masaksihan ang nakakatuwang pangyayari sa kasal ng kaniyang kaibigan.

Kamakailan lamang ay ikinasal ang ex Pbb housemate na si Joe Vargas sa kaniyang long time girlfriend na si Bianca Yanga.

Bilang matalik na kaibigan ay dinaluhan ito ng magkasinatahang sina Julia Barreto at Gerald Anderson.

At sa eksenang ihahagis na dapat ni bride ang kaniyang bouquet ay hindi na niya ito ginawa, bagkus ay kusang loob na ibinigay na niya kay Julia Barreto dahilan upang maghiyawan ang lahat dahil sa pangyayari.

Kita naman ang ngiti at saya na idinulot nito kay Gerald Anderson.

Ang tanong tuloy ng marami ay ibig bang sabihin nito na nasa plano na ang kanilang pagpapakasal?