Asawa ni JC Santos, nagseselos nga ba sa mga nagiging leading lady ng aktor?

Asawa ni JC Santos, nagseselos nga ba sa mga nagiging leading lady ng aktor?

Asawa ni JC Santos, nagseselos nga ba sa mga nagiging leading lady ng aktor?
- Ipinakilala bilang bagong ambassador BeauteHaus si JC Santos nitong linggo sa grand launch nito sa Pampanga

- Dito nakipagwentuhan si JC at kanyang asawa sa harap ng mga interviewers tungkol sa kanilang relasyon lalo na sa mga nagiging leading ladies ni JC

- Ani Shyleena, hindi siya nagseselos dahil may tiwala siya kay JC na 100% work lang ang kanyang ginagawa

May sagot si Shyleena Santos, asawa ng aktor na si JC Santos, kung nagseselos ba ito sa mga nagiging leading ladies ni JC partikular na kay Bela Padilla.

Nitong Linggo, nagkaroon ng grand launch ang Beautederm para sa kanilang BeauteHaus na ginanap sa Marriot Hotel sa Pampanga. Dito nila ipinakilala bilang bagong ambassador ng kanilang brand si JC.

May mga pampaganda't pampagwapo na procedures na ginagawa ang BeauteHaus kaya naman tinatangkilik ito ng kanilang customers. Isa rin si JC na nag-try sa kanilang 'Lipodissolve' upang mawala ang kanyang unwanted fats. 

“Kahit kaming mga lalake ay dapat um-effort para maging maayos ang aming itsura.

“Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl.

“I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance,” pahayag ni JC.

Naitanong naman kay Shyleena kung may nararamdaman siyang selos sa mga ginagawang kissing scenes o love scenes ni JC sa kanyang mga leading ladies partikular na kay Bela Padilla.

Maintindihing asawa si Shyleena kaya naman diretsahan niyang sinagot na may tiwala siya sa kay JC. Sa katunayan umano, ninang pa si Bela ng kanilang anak kaya naman wala talagang selos na namamagitan.

“He makes me secured na po so ang tiwala ko sa kanya is 100%. Work lang po talaga siya. Saka friend ko si Bela din.

“Saka ang kagandahan po doon is parang lahat po ng nagiging leading lady po niya (sina Yassi Pressman), nagiging kaibigan ko rin po so parang it’s a good relationship po. Wala pong selos,” sabi ni Shyleena.