Chie, ibinunyag na kilala niya ang nagkalat ng isyu nila ni Zeus; Nagparinig: "alam ko kasi kung kanino nanggaling yan..."

Chie, ibinunyag na kilala niya ang nagkalat ng isyu nila ni Zeus; Nagparinig: "alam ko kasi kung kanino nanggaling yan..."

Chie, ibinunyag na kilala niya ang nagkalat ng isyu nila ni Zeus; Nagparinig: "alam ko kasi kung kanino nanggaling yan..."
- Napag-usapan nina Chie ang fake na videong kumalat sa social media nitong nakaraan na sinasabing siya at si Zeus ang makikita sa malisyosong video

- Tinalakay nila ito nang mag-guest siya sa programa ni Cristy Fermin na 'Cristy Ferminute' ngayong Biyernes, May 27

- Tila may parinig pa nga ito dahil kilala niya umano ang nasa likod ng nagpakalat ng maling isyu patungkol sa kanya

Nag-guest ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa online program ng kilalang manunulat na si Cristy Fermin para sa bagong episode ng 'Cristy Ferminute' nito kung saan siya at si Romel Chika ang tumatayong hosts.


Parehas na nilinaw ng dalawa na walang katotohanan ang paratang na ito sa pamamagitan ng paglalabas ng pahayag hinggil sa fake news na kumalat na maaaring makasira sa kanilang imahe bilang mga artista.

“Matagal nang isyu, pabalik-balik pa rin. Bakit hindi mamatay-matay, 'yung parking lot?" tanong ni Romel kay Chie.


Tugon ng aktres, “Ano po siguro kasi wala nang maano 'yung tao. Lumabas ulit 'yon nung naging open ako about sa politics again. Lagi silang nag-uungkat lang ng mga fake news para ibato sa akin dahil naging open po ako sa gusto kong sabihin sa social media."

"Kung baga, wala lang. Mema lang," ani naman ni Cristy.

“'Yung issue na 'yan, alam ko kasi kung kanino nanggaling yan. Alam niyo naman po kung kanino nanggaling. Feel ko alam niyo naman po kung kanino nanggaling 'yon," tila pagpaparinig ni Chie.

Tila alam naman ni Cristy ang tinutukoy ni Chie at napasabi ng, "Hay, naku. 'Wag na natin siyang pag-usapan. Sayang na sayang ang espasyo. 'Yung tatlong segundong ibibigay natin sa pangalan niya, tayo na lang ang mag-usap."