Lolit Solis, tila pinagtawanan si Anne; May komento sa 'mukhang losyang'

Lolit Solis, tila pinagtawanan si Anne; May komento sa 'mukhang losyang'

Lolit Solis, tila pinagtawanan si Anne; May komento sa 'mukhang losyang'
- Nabanggit ni Lolit Solis na 'katawa' umano si Anne Curtis dahil siya mismo ang nag-take 2 sa kanyang opening number sa comeback niya sa 'Showtime'

- May komento rin ito sa 'mukhang losyang' dahil hindi pinabayaan ni Anne ang kanyang sarili at maintain pa rin nito ang ka-sexy-han

- Sinabi rin nito na may humor pa rin ang host na siya lang mismo ang maaring gumawa

Pinuri ni Lolit Solis ang Kapamilya star na si Anne Curtis nang magbalik ito sa Kapamilya noontime show na 'Its Showtime' kung saan isa siya sa host kasama ang kanyang 'sisterette' na si Vice Ganda.

Sa Instagram post ni Lolit, nabanggit nito na talagang performer si Anne at 'scene stealer' pa sa kanyang pagbabalik sa Showtime na talaga namang inaabangan ng mga Kapamilya.

'Katawa' nga rin daw ang naging comeback nito dahil siya pa raw ang nag-take 2 sa kanyang opening number. Bukod pa rito, na-'bonggahan' ang manunulat kay Anne dahil hindi nito pinabayaan ang sarili na maging 'losyang'.

“Talagang performer si Anne Curtis, Salve. Talagang scene stealer siya tulad ng ginawa niyang pagbabalik sa Showtime na talagang inabangan ng marami. Katawa iyon siya mismo ang nag take 2 sa kanyang opening number. 

“Sexy at maintain parin ni Anne Curtis ang kanyang magandang katawan, nanduon parin iyon star aura niya at appeal kaya naman bonggang bongga siya. 

“Dapat ganyan ang drama ng kahit sino na nagbabalik, alagaan ang kanilang physical appearance at huwag pabayaan mag mukhang losyang,” pahayag ng kolumnista.

Dagdag pa nito, “Hindi mo aakalain na nanay na si Anne dahil sa sex appeal niya. At nanduon parin ang humor niya na talagang si Anne Curtis lang puwede gumawa. Welcome back Anne Curtis , bongga ka,” aniya pa.