Zeus pinalagan ang isyu patungkol sakanilang dalawa ni Chie Filomeno; “Zeus Maryosep”

Zeus pinalagan ang isyu patungkol sakanilang dalawa ni Chie Filomeno; “Zeus Maryosep”

Zeus pinalagan ang isyu patungkol sakanilang dalawa ni Chie Filomeno; “Zeus Maryosep”
Pinalagan ni dating Hashtag member na si Zeus Collins ang isyung pinaguusapan ngayon ng mga netizens patungkol sa kanila ni Chie Filomeno.

Kahapon lamang kasi ay pumutok ang bali balita patungkol sa di-umano’y isyu na kumakalat sa kanilang dalawa ni Chie.

Isang dummy/poser account ang nagbahagi ng litrato nilang dalawa ni Chie sa isang malaking facebook group na may caption pa ng; “Only Legends understand”.


At bilang likas sa pinoy ang mang usisa at tila nga nabuhay ang dugo ng mga marites ay kabi kabilang kumento agad ang ibinahagi ng mga netizens at tila ba sinasabi nilang kumpirmado agad na mayroong kung anong video ang dalawa at nagtatanungan pa ng link ukol dito.

Nauna nang sinagot ni Chie Filomeno ang naturang isyu at galit itong sinupalpal ang nagpasimula ng naturang tsismis.

Dalawang magkasunod na post ang pinakawalan ni Chie na hinahamon ang naturang dummy account na ilabas ang video na tsinitsismis niya, kung talaga mang may video umano.

“Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinag ppost niyo sa FB, kung mag uungkat kayo siguraduhin niyo totoo, wag paulit ulit at wag kayo mangdamay ng ibang tao. ISSUE YARN?

“Ano Megan San Miguel dali share mo yung video, siguraduhin mo lang hindi mo sasayangin ang oras nila ah? Lalo na oras ko. Dali send mo sa akin. Maninira ka pa ah. Bardagulan gusto niyo eh. Paulit ulit na issue ah nakakasawa na,” ani Chie.

Hindi na rin naman pinalagpas pa ni Zeus ang naturang tsismis at nagbahagi na ng kaniyang kumento sa kaniyang Instagram account.

“FAKE NEWS‼️ Grabe tagal na nitong chismis na to, Baka naman si Zeus Maryosep yang napanood nyo
Ingat ingat lang kayo baka ma hack yang account nyo dahil dyan

“At RESPETO nalang ng konti dami nadadamay Masaya ako ngayon at wag nyo ng guluhin pa MAHAL KITA @mykapaulinee,” ani Zeus na ni tag pa ang kaniyang girlfriend.

Matatandaang nagkasama na sina Zeus at Chie sa noontime show na ‘It’s Showtime’ dahil sa pagiging miyembro nila ng Hashtags at Girltrends.