Melai Cantiveros, inaway ng mga bastos na BBM supporters; Pinalagan isa-isa ng facts

Melai Cantiveros, inaway ng mga bastos na BBM supporters; Pinalagan isa-isa ng facts

Melai Cantiveros, inaway ng mga bastos na BBM supporters; Pinalagan isa-isa ng facts
- Matapang na humarap ang Kapamilya actress at host na si Melai Cantiveros sa mga bastos na tagasuporta ni Bongbong Marcos

- Isa lang si Melai sa maraming mga artistang na-bash dahil sa suporta nila kay VP Leni Robredo sa pagka-Presidente

- Nag-ugat ang talakang ito nang magpost si Melai ng isang quote card kung bakit sa tingin niya makakatulong si Madam Leni Robredo sa Pilipinas

Nag-viral ang mga quote cards ng mga celebrities sa social media kung saan nagpakita sila ng suporta kay Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na makikita rin sa official Facebook page nito.

Katulad ng maraming artista, nagpahayag ang Kapamilya host na si Melai Cantiveros ng pagsuporta sa panig ng mga Kakampink.

Ito ay nang i-post niya sa kanyang official Instagram account kahapon, March 7, ang isang quote card na siya mismo ang nagsabi.

“Ang boto ko para kay VP Leni Robredo ay boto ko para sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy,” saad ng Kapamilya star.

Siyempre, hindi naman siya nakawala sa mga bastos na tagasuporta ng kanilang kampo. Partikular na sa panig ng mga Pula, si Bongbong Marcos. Sabi ng isang hater na follower rin ni Melai, “For the sake of Abs-cbn, not for the Philippines and it’s people, sa nkikita ko lang,” comment ng basher.

Matapang naman itong sinagot ni Melai ng, “For the sake of u and ur family kaya ko boboto si Leni.”

Mayroon ring comment tulad ng “Si leni e boto nila para mabuksan ang abscbnEND,” comment ng isa pang basher sa kanya. 

Reply ulit ni Melai, “Buhi paman gani abs misag wala gibuksan (buhay pa naman ang ABS kahit hindi binuksan).”

Hindi pa tumigil ang ilang haters at nagcomment rin ng “Ay leni kau para sa abs cbn di para sa Pilipinas,” na sinagot ni Melai ng, “Mas para sayu hindi para sa abs para maencourage ka bumoto sa tama.”

Niresbakan rin ni Melai ang mga nagsasabing “bobo” ang mga boboto kay Leni. “Pink ang boto nang mga bobo,” ayon sa isa pang netizen. Resbak ni Melai, “Are u sureeeee?”

Ilang spam comments rin ng mga anti-Leni ang dumapo sa comments section ni Melai. Ilan sa mga ito ay mga, “BBM lang sakalam!”, at “Huuuy Melai gising!!! Taga Mindanao kapa mandin bobo ka mag isip.”

“Sagdi nlng na sya kay utang kabu but on mn gd na nya lisud mn pd pero malay ba nmug ig ting butar sa tumoy sa ballpen lahi d.i awwww. Ipaglaban mn jd na nila ilang Nanay mando sa boss (Hayaan mo lang siya kasi utang na loob niya yan kahit mahirap malay natin sa araw ng botohan iba ang isusulat sa ballpen awwww. ipaglaban nila ang kanilang nanay dahil utos ng boss).” sabi pa ng may ayaw sa kanyang iboboto.

Reply ni Melai, “Utang kabubut on ni Para sa inyuha nga nibutar sa akoa sa Pbb kay para dili lang ko muangat pati pod kamu, dili ni para sa akoa para ni sa inyu (utang na loob ito sa inyo dahil ibinoto niyo ako sa PBB para umangat ako kasama kayo, hindi ito para sa akin lamang kundi para sa inyo).”