Madam Inutz, inaming minaliit siya noon ng kanyang ex: “feeling ko sa sarili ko inutil ako”

Madam Inutz, inaming minaliit siya noon ng kanyang ex: “feeling ko sa sarili ko inutil ako”

Madam Inutz, inaming minaliit siya noon ng kanyang ex: “feeling ko sa sarili ko inutil ako”
- Madamdamin ang paghahayag ng viral online seller na si Madam Inutz sa naging karanasan nito sa dati niyang karelasyon

- Ayon rin sa kanya, sobrang sakit daw ng mga pinagsasasabi ng kanyang ex at nakakawala ng respeto sa sarili

- Ibinahagi niya ito sa YouTube channel ni Karen Davila sa bagong episode ng kanyang vlog

Maliban sa pagpapatawa, malalim-lalim rin pala ang hugot ng viral online seller at dating Pinoy Big Brother housemate na si Madam Inutz sa dati nitong karelasyon. 

Ito ay nang ibahagi niya ang mga masasakit na salita na tumatak sa kanya na sinabi ng kanyang ex. 

Emosyonal na ibinida niya ito kay Karen Davila sa YouTube channel ng host para sa bagong vlog nito. Inisa-isa rin niya ang hamon na naranasan niya bago makamit ang tagumpay. 

Aniya, upang makatipid, lumipat sila ng bahay sa Cavite pagkatapos ma-stroke ang kayang ina. Inamin rin niya na nagkaroon siya ng patong-patong na utang dahil sa hirap ng buhay. 

Nagdesisyon silang lumipat sa Cavite sa kadahilanang mas mura umano ang renta ng bahay dito. At dito na rin niya ipinagpatuloy ang paninirahan nila at paghahanapbuhay. 

Unti-unti naman daw silang nakaahon at nakaipon sa pagpapagamot ng kanyang ina. Naisipan na rin daw niyang pasukin ang mundo ng online selling.

Dito na niya naisalaysay ang naging karanasan niya sa kanyang ex at kung bakit “Madam Inutz” ang naging bansag sa kaniya. 

“Parang feeling ko sa sarili ko inutil ako dahil noong naghiwalay kami ng ex-boyfriend ko, sinabi niya sa akin ’useless ka, wala kang silbi’. So du’n ako napaisip na, ah baka inutil pala ako,” sabi pa niya.

“Bago kami maghiwalay, sabi niya sa akin ‘You will never be famous. Stop dreaming You can’t live without my support. 

“Look at me now.”