Ina ng Maguad Siblings may panawagan sa lahat, "Di po natin i-underestimate ang mga under 18 years old"

Ina ng Maguad Siblings may panawagan sa lahat, "Di po natin i-underestimate ang mga under 18 years old"

Ina ng Maguad Siblings may panawagan sa lahat, "Di po natin i-underestimate ang mga under 18 years old"
- Sa isang report ay naglabas ng pahayag ang ina ng Maguad Siblings

- Naihatid na sa kanilang huling hantungan ang magkapatid na sina Crizzule at Crizzle

- Nanagawan ang ina nila sa pamilya ng suspek upang matahimik na sila at makamit ang hustisya

Naihatid na sa kanilang huling hantungan ang magkapatid na Maguad, ang walang awang pinaslang sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Isang misa ang idinaos para sa magkapatid bago ilagak sa kanilang himlayan.

Sa naturang libing ay nagsalita rin ang ina ng mga ito na si Lovella at nanawagan upang makamit ng kanilang pamilya ang hustisya.

"Hindi dapat i-underestimate ang mga kabataan under 18 years old," ani nito.

"They have the manipulative skills, the power to destroy other children, good children, promising children.

"Kaya sumasamo po ako sa pamilya ng mga suspek, please, tulungan niyo po kami sa ikatatahimik po ng aming mga anak at ikatatahimik din po namin," pagsusumamo ni Nanay Lovella.

Nagpasalamat din ito sa mga nakiramay at tumulong sa kanilang pamilya sa gitna ng kinakaharap nilang problema.

Matatandaang kusa ng umamin si alyas Christine, ang ampon na kinupkop ng pamilya Maguad, na isa siya sa walang awang pumatay sa magkapatid. 

Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ang isa pa umanong kasabwat ni Christine sa paggawa ng naturang karumaldumal na Krimen habang hawak naman ng DSWD si Christine.

Panoorin ang kaganapan dito: