Coco Martin at Julia Montes, spotted ang sweetness at magka holding hands pa

Coco Martin at Julia Montes, spotted ang sweetness at magka holding hands pa

Coco Martin at Julia Montes, spotted ang sweetness at magka holding hands pa
- Sa “Andito Tayo Para Sa Isa't-isa” Christmas Special ng ABS-CBN, makikitang magkahawak ng kamay ang Kapamilya stars na sina Coco Martin at Julia Montes

- Ilang CocoJul fans din ang nakapansin na agad namang nagviral sa social media

- Makikita ang dalawa kasama ang ilan pang Kapamilya stars sa behind-the-scene shoot ng Christmas Special

Sa kakatapos lang na 2021 ABS-CBN Christmas Special na 'Andito Tayo Para Sa Isa't-isa', ilang mga pasabog at sorpresa ang inihanda nila para sa mga online at television viewers nito. Kasama dito ang teaser ng pinaka-aabangang serye tulad ng "2 Good 2 Be True", at "Darna: The TV Series".

Hindi rin nagpahuli ang mga casts ng on-going Kapamilya teleseryes ng pagbibigay saya tulad ng "Ang Probinsyano" kasama ang bida nitong si Coco Martin at ang bali-balitang nobya nitong si Julia Montes.

Ngunit ang nakapukaw ng atensiyon ng mga CocoJul fans ay ang behind-the-scene shoot nila para sa Christmas Special. Sa isang TikTok video na in-upload ng user na si @kristofervengco na kuha sa mga clips ng Christmas Special ay makikitang magka-holding hands ang dalawa.

Agad ring nagviral ang nasabing TikTok video at umani ng samu't-saring reaksiyon online. Bukod pa kina Coco at Julia ay nahagip rin sa camera ang real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ilang mga comments na makikita sa video ay:

“Mahahalata mo talaga kong sino talaga yung real couple dyan. That holding hands from CocoJul and KathNiel sana all”

“Magkasanod na nakaholding hands, ang cute ng KathNiel at nila Coco at Julia. Ang sweet sweet naman ni coco martin yow i love u idol Julia Montes”

“Binalikan ko pa yung part na dumaan sila coco and julia kasi akala ko namalikmata lang ako. iiiiih kilig ako!”

Matatandaang napabalita rin ang chismis patungkol kina Coco at Julia na may anak na ito at itinatago lamang nila ito sa publiko. Hindi naman nila inamin o tinanggihan ang mga magkaka-ugnay na haka-haka na ito.
@kristofervengco

#abscbnchristmasspecial2021 #kathniel #donbelle #sethdrea #cocojul

♬ Andito Tayo Para Sa Isa't Isa - ABS-CBN Music All Star