Diego Loyzaga may patutsada sa tanong sa kaniya ni Xian Gaza

Diego Loyzaga may patutsada sa tanong sa kaniya ni Xian Gaza

Diego Loyzaga may patutsada sa tanong sa kaniya ni Xian Gaza
- Trending at usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang malaking katanungan ni Xian kay Diego

- Tinanong kasi ni Xian si Diego kung bakit ito napupunt ng Pampanga sa bahay nila AJ Raval

- May hirit naman si Diego na tila kasagutan niya sa tanong ni Xian

Tunay na pinag-uusapan ng mga marites ang chikang inihahatid ng self proclaimed boy marites ng bayan na si Christian Albert Gaza.

Sa latest chika nito ay tinanong niya si Diego Loyzaga kung bakit nga ba ito nagpupunta sa Pampanga sa bahay nila AJ Raval.

"Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?," katanungan ni Xian.

At matapos ang higit isang araw ay tila may natatawang kasagutan dito ang aktor na si Diego Loyzaga.

Sa kaniyang facebook page ay ibinahagi ni Diego Loyzaga ang artcard post ng Vivamax na promo para sa pelikula nila ni Barbie Imperial na may katanungang "Kailan mo na realize na wala ng pag-asa ang relasyon nyo".

At sinagot ito ni Diego ng, "Nung nagpunta ako sa Pampanga… kasama si BIANCA", ang Bianca ay ang pangalan ng karakter ni Barbie Imperial sa pelikula nia.


Ito nga kaya ang sagot niya sa intriga sa kaniya ni Xian Gaza?