Balitang pagpasok ni Migs Bustos kinagiliwan ng nga netizens, naka moved on na kay Kuya Kim?

Balitang pagpasok ni Migs Bustos kinagiliwan ng nga netizens, naka moved on na kay Kuya Kim?

Balitang pagpasok ni Migs Bustos kinagiliwan ng nga netizens, naka moved on na kay Kuya Kim?
- Sa biglaang paglipat ni Kuya Kim ay nabakante ang posisyon niya bilang weatherman sa TV Patrol

- Isang araw naman matapos na magpaalam ni Kuya Kim ay lumakas ang balita ng papalit sa kaniyang pwesto

- Ayon kay Ogie Diaz ay papalitan siya ng mas batang newscaster na si Migs Bustos 

Nitong Biyernes Oct. 01 ay opisyal ng nagpaalam si Kuya Kim Atienza bilang weatherman ng TV Patrol at bilang isang kapamilya.

Opisyal na siyang bahagi ng Kapuso Network kung saan mapapanood pa sa mismong katapat ng TV Patrol na 24 Oras.

Marami ang nalungkot sa biglaang pag alis niya sa Kapamilya Network at sa TV Patrol na mahigit sa labing-anim na taon din niyang naging tahanan.

Ngunit isang araw matapos ang pamamaalam ni Kuya Kim ay tila ba naka moved on daw agad ang netizens dahil sa magandang balita ng papalit sa pwesto nito.

Ito ay ang sports news anchor ng ANC na si Migs Bustos, ayon kay showbiz personality a si Ogie Diaz ay ito na nga ang papalit sa pwestong iniwanan ni Kuya Kim sa TV Patrol.


Narito ang ilang nakakatawang kumento ng netizens sa balitang ito:

"Nakapag move on na kmi kuya kim. Maging masaya ka sana sa tatahakin mong landas kasi kami sobrang saya muntik pa mapatid garter ng panty namin sa poging ipinalit sau"


"Sa weather report na ako tututok gabi gabi. Maganda panoorin to. Okey na kami Kuya Kim naka move on na kami after 1 day. Mas happy na kami ngayon. Welcome to TV Patrol Sir Migs Bustos."

"Tama yan kuya Kim lahat tayo my freedom n umalis at tama ang desisyon mo.."

"Kuya Kim okey na kami, tama na ung isang gabing iyak. Okey na kami. Naka move-on na kamim wag kana bumalik ahh.."

"Wag puro korean dramas.. Nuod na tayo NG balita"