Rumored Couple na sina Julia Montes at Coco Martin, magkasamang nagpa rehistro para sa Halalan

Rumored Couple na sina Julia Montes at Coco Martin, magkasamang nagpa rehistro para sa Halalan

Rumored Couple na sina Julia Montes at Coco Martin, magkasamang nagpa rehistro para sa Halalan
- Trending at usap-usapan muli ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin

- Sa latest Instagram post kasi ni Julia ay ibinahagi nito ang isang video kasama si Coco

- Magkasamang nagpa rehistro ang dalawa para sa Halalan sa susunod na taon

Trending muli ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin dahil sa latest Instagram post ni Julia.

Sa nasabing Instagram post ni Julia Montes ay mapapanood ang mga kaganapan kung saan nagpa rehistro ito para sa darating na halalan para sa susunod na taon.

Kasama ni Julia si Coco Martin sa naturang pagpapa rehistro.

"Somewhere inside of all of us is the power to change the world," ang caption pa ni Julia sa naturang post na hango sa kasabihan ni Roald Dahl.

Kaakibat pa ang mga hashtags na BotoPilipinas, MagparehistroKa, BobotoAkoSa2022.

Bukod sa ikinatuwa ito ng kaniyang mga fans dahil sa pagpaparehistro nila ay nagbigay kilig din ito dahil sa magkasamang muli sila ni Coco Martin para sa isang mahalagang kaganapan sa mga buhay nila.