Madam Kilay, dinuro duro at inaway ng kaniyang Racist na kapitbahay!

Madam Kilay, dinuro duro at inaway ng kaniyang Racist na kapitbahay!

Madam Kilay, dinuro duro at inaway ng kaniyang Racist na kapitbahay!
- Trending ngayon ang latest video upload ng social media influencer na si Madam Kilay

- Sa naturang video ay mapapanood ang tila mainit na diskusyon nila ng kaniyang kapitbahay na amerikana

- Nagmula umano ang bangayan nila ng aksidenteng makawala ang aso ni Madam Kilay at mapadpad sa lugar ng kapitbahay niya

Trending at usap usapan ngayon ang latest video upload ng social media influencer na si Madam Kilay dahil sa mainit na bangayan nila ng kaniyang amerikanang kapitbahay.

Nagsimula umano ang gulo nila ng aksidenteng makawala ang kaniyang alagang aso at mapadpad sa lugar ng kaniyang naturang kapitbahay.

Nag sorry umano si Madam Kilay sa pangyayaring ito ngunit malaki na umano ang galit ng kaniyang kapitbahay dahil sa pangyayari.

Kaya naman nauwi na sa mainit na diskusyunan ang kanilang pag-uusap kung saan dinuru-duro na siya at pinag mumura nang naturang kapitbahay niya.

Mapapanood din sa naturang video ang tila panlalait ng babae sa nunal at makapal na kilay ni Madam Kilay.

Sa latest development naman ay isinumbong na niya ang naturang racist niyang kapitbahay matapos ang panduduro, pagmumura at pananakot nito na patayin ang kaniyang alagang aso.


"This is it PANCIT, hello neighbor," caption ni Madam Kilay sa litrato niya kabang kausap ang isang pulis.