Customer na lumapit sa Manager matapos kumain ng ChickenJoy, trending na!

Customer na lumapit sa Manager matapos kumain ng ChickenJoy, trending na!

Customer na lumapit sa Manager matapos kumain ng ChickenJoy, trending na!
- Trending at humahamig na ng vuews ang isang video ng tila hyper na customer na kumain ng ChickenJoy

- Sa unang bahagi ng video ay aakalaing galit ang lalaki dahil sa pagiging hyper nito na hinahanap ang manager 

- Napatawa nito ang lahat matapos na ipagsigawang nasarapan pala siya sa ChickenJoy kaya siya hyper

Trending at usap-usapan ngayon ang video ng isang lalaking tila hyper na hyper na lumapit sa manager ng isang branch ng Jollibee.

Ang facebook user na si Lucky Mercado ay ibinahagi ang kaniyang video na may titulo pang, "Bakit naman ganun Jollibee!," kung saan mapapanood pa sa unang part nito na tila hyper siya at hinahanap ang manager.

"Tina-try nyo ba pagkain nyo?," tanong ni Lucky sa isa sa mga manager.


At dito nga ay kinagat niya ang manok na bitbit niya, matapos nito ay sumigaw ito ng: "Ang sarap!, Sobrang sarap ng pagkain niyo!".


Ikinatawa ito ng ilang customer, crew at lalo na ang manager na kausap niya, "Grabe Kinabahan ako," pakli pa ng manager kay Lucky.


"Yung tao nga nagkakamali, bubuyog pa kaya," agad na sinambit naman ni Lucky matapos nito.

Panoorin ang buong video dito: