Michael De Mesa binantaan ng fan dahil sa karakter niya sa FPJ'S Ang Probinsyano

Michael De Mesa binantaan ng fan dahil sa karakter niya sa FPJ'S Ang Probinsyano

Michael De Mesa binantaan ng fan dahil sa karakter niya sa FPJ'S Ang Probinsyano
- Nagbahagi ng mensahe ang isang netizen sa aktor na si Michael De Mesa dahil sa karakter nito sa Ang Probinsyano

- Galit na galit ito at pinagbantaan ang buhay ng aktor

- Sa huli ay humingi ito ng paumanhin at inaming nadala lang siya ng galit dahil sa pangyayari sa serye

Hindi nga bago sa atin ang kagalitan o kamuhian ang isang karakter sa isang teleserye dahil sa masasamang gawi nito laban sa bida.

Ngunit tila dahil sa makatotohanang pag ganap ng aktor na si Michael De Mesa sa teleseryeng FPJ'S Ang Probinsyano ay may isang netizen ang mismong nagbahagi ng kaniyang saloobin sa aktor.

Sa teleserye kasi, ang karakter ni Michael ay isa sa mga kakampi ni Cardo (Coco Martin) na tila sumanib na sa kalaban sa katauhan ni Richard Guttierez bilang si Lito.

At dahil nga sa tila pangta traydor na ito ng karakter ni Michael sa bida ay inilabas ng netizen ang naging galit niya dito sa pamamagitan ng pagme message sa accpunt nito.

Ibinahagi ni Michael ang mensaheng ito sa kaniya na may caption pa ng: "Ganun ba ako ka effective? 😆 Bro, teleserye lang yan. Wag masyadong seryoso. Positive vibes lang. Hahaha! 😊"

Ani ng netizen ay: "Hoy manager sana mamatay ka na sa probinsyano mo".

"Pag nakita kita sa personal. Titirahin kita sa ulo mo at sa t*t* mo."

screenshot from Michael de Mesa post

Tinawanan nga lang ito ni de Mesa at sinabing teleserye lang ito at wag personalin.

Sa sumunod na post ay humingi rin naman agad ng paumanhin ang naturang netizen at inamin ngang nadala lang ito sa kaniyang emosyon lalo pa at avid fan siya ng teleserye.

"Sir Michael de mesa. Pasensya na po PWD po ako na dala lang po ako sa galing mong pag arte galit na galit ako sa ginawa mo kay sir cardo sa palabas nyo po. Sorry po talaga! Gusto ko mag sorry sa inyo kahit sa harap," ani ng netizen.

"Guys, nag sorry na siya! Thank you for having my back.  Let this be a teachable moment for all of us. To be careful of what we say to each other online and in person. Basta good vibes lang tayo! ❤️"

screenshot from Michael de Mesa post