Isang Mall sa Metro Manila, binaha ang loob dahil sa malakas na buhos ng Ulan

Isang Mall sa Metro Manila, binaha ang loob dahil sa malakas na buhos ng Ulan

Isang Mall sa Metro Manila, binaha ang loob dahil sa malakas na buhos ng Ulan


Hindi na bago na sa ating mga mata at pandinig ang mga balita hingil sa pagbaha sa isang lugar.

Ang mataas na pagbaha sa mga kalsada dulot ng malakas na pag ulan.

Ang paglubog ng ilang mga sasakyan sa pinag paradahan nito ng baha.

Ngunit ang pagkakaroon ng baha sa loob ng isang malaking Mall ay tila ba minsan lamang nating nadirinig.

Ito ang nangyari ngayon sa sikat na sikat na Mall sa Metro Manila, dahil isa ito sa pinaka mataong Mall sa buong kamaynilaan.

Binaha ang loob ng SM North Edsa dahil sa malakas na buhos ng ulan ngayong araw.

Sa mga litratong ipinost ng Facebook Page na ManilaxVirals ay kitang kita ang pagkakaroon ng baha sa loob mismo ng Mall na syang ikinagulat na ngayon ng lahat.


Mapapansin nga rin sa mga litratong iyon na tila pansamantala na ring nagsara ang ilang store sa loob ng mall dahil sa pagpasok ng baha dito.


Ibayong pag iingat naman ang ibinigay ng PAGASA dahil opisyal ng isang bagyo ang ilang Low Pressure Area na pinangalanan ng Bagyong Nika.



Ayon pa sa PAGASA ay patuloy na makararanas ng malakas na pagbugso ng ulan ang kamaynilaan at ilang karating na lugar pa nito.

Kaya laging mag iingat!

© All Photos credit to ManilaxVirals Facebook Page