Precious Lara Quigaman, Nanganak na!, Ang kanyang ikatlong baby silipin.

Precious Lara Quigaman, Nanganak na!, Ang kanyang ikatlong baby silipin.

Precious Lara Quigaman, Nanganak na!, Ang kanyang ikatlong baby silipin.
Nanganak na nga si 2005 Miss International Precious Lara Quigaman, ito ang masaya nyang balita sa kanyang Instagram Account.

Sinalubong nga nina Lara Quigaman at Marco Alcaraz ang kanilang ikatlong anak na pinangalanan nilang Moses Marc Alcaraz nitong Sept. 17 sa ganap na 10:50am.




"Thank You Jesus for another undeserved gift... my heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe. You truly are a good good God! Meet our @mosesalcaraz 💙 born September 17, 2020 at 10.50AM." ani ni Lara sa kanyang Post.

Samantala, sa kanyang Instagram Account naman ay masaya ring ibinalita ni Marco ang pagsilang ni Lara sa kanilang ikatlong anak na si Moses.

"Good Morning to my brave wife @laraquigaman and baby @mosesalcaraz ❤️ Mahal na mahal ko kayong 2. Im sure excited na ang mga boys makita ang new teamate nila. Thank you sa lahat ng mga dasal nyo safe and healthy ang mag ina ko. Thank you Lord Jesus for another blessing."

Matatandaang nitong Abril ng taon ay masayang ibinalita nina Marco at Lara sa kanyang Youtube Channel ang balita ng pagbubuntis muli ni Lara sa pangatlong pagkakataon.

June ng ni reveal nila sa isang Gender Reveal Party na sa ikatlong pagkakataon ay isang Prinsipe muli ang paparating nilang anak.

Si Precious Lara Quigaman ay nanalo noong 2005 bilang Binibining Pilipinas International na syang nakipaglaban sa Miss International 2005 at matagumpay nyang naiuwi ang korona. 

Ikinasal sila ni Marco Alcaraz noong January 2011 na kalauna'y nagkaanak sila na sina Noah Lamar Alcaraz, Tobias Nolan Alcaraz at ngayon nga ay ang pagdating ni Baby Moses Marc Alcaraz.