KathNiel at LizQuen, sasabak sa magkahiwalay na Pelikula at Teleserye

KathNiel at LizQuen, sasabak sa magkahiwalay na Pelikula at Teleserye

KathNiel at LizQuen, sasabak sa magkahiwalay na Pelikula at Teleserye
Sa pagkawala nga ng prangkisa ng ABS-CBN ay nag resulta ito sa pagkakalagas ng mahigit sa 5,000 empleyado ng naturang kumpanya.

At ang ilang Artista nga nila ay tuluyan na nilang pinalalaya sa kanilang poder, kabilang na nga rito ang mga artistang kasalukuyan ng mapapanood sa TV5, maging ang mga paparating pa lamang na programa ng Kapatid Network ay pagbibidahan ng halos lahat ng Kapamilya Stars.

Ngunit kung meron mang halos nag alsa balutan na ay hinding hindi raw aalis sa poder ng Kapamilya Network ang kanilang pinaka makinang na artista ngayon.

Ang KathNiel at LizQuen ang dalawang loveteam nga ang maituturing na pinaka-sikat ngayon sa ating bansa at tinitilian din maging ng International Fans.

Ayon sa balita ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube Vlog, ang GMA at TV5 ay maka ilang ulit daw na binigyan ng nakakasilaw na offer ang LizQuen ngunit nagmatigas umano ang dalawa lalo na si Liza na kahit anong mangyari ay Kapamilya pa rin sila.

Loyalty, ito nga raw umano ang maibibigay na sagot ng LizQuen at KathNiel sa ABS-CBN ngayong nasa gitna sila ng Krisis, sila naman daw ang magbibigay lakas sa Management ngayong naka dapa sila.

Sa karagdagang impormasyon ni Ogie ay nakatakdang gumawa ng magkaibang teleserye ang LizQuen at KathNiel na siguradong paka aabangan sa Digital World.

Bukod sa teleserye ay nauna ng napabalita ang magkaiba ring Pelikula ng dalawang loveteam.

Matatandaang bumida sila sa kanya kanya ring Pelikula na tumabo ng husto sa takilya kagaya na lamang ng My Ex and Whys na kumita ng P400M+ at The Hows of Us na kumita ng P800M+.

Bukod sa Pelikula at Teleserye, may nakatakdang Seasonal Show ang KathNiel na isa umanong sitcom o maaring kagaya ng sa Netflix series na mala-10 episodes shows na maaaring magkaroon ng iba't-ibang season.

Ayon pa kay Ogie Diaz ay matagal ng gusto ni Liza Soberano ang makagawa ng isang Hollywood Film, at ng tanungin si Ogie kung magkakaroon na nga ba, ay tikom ang bibig nito at abangan na lamang daw ang susunod na mangyayari.