Kamusta na nga ba si Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl?

Kamusta na nga ba si Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl?

Kamusta na nga ba si Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl?


Naaalala nyo pa ba ang tinaguriang si Badjao Girl na si Rita Gaviola?, Sya ang nag trending noong taong 2016 dahil sa kanyang angking natural na kagandahan na nakunan ng isang Netizen noong kasagsagan ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.





Ng ipinost ito ni Topher Quinto Burgos sa kanyang Facebook Account ay agad na nag viral ito dahil namangha ang Netizens sa kanyang ganda na talaga namang kitang kita na sa murang edad pa lamang nya.



Nakilala nga ang Viral Girl na si Rita Gaviola na isang Badjao na taga Lucban Quezon.

Matapos nyang mag viral ay pinasok naman nya ang mundo ng showbiz ng mapabilang sya sa Housement ni kuya sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

Hindi man sya mapalad na nanalo sa nasabing patimpalak ay hinangaan naman sya ng nakararami dahil sa tapang nyang harapin ang hamon ni Big Brother at ang dedikasyon makaahon sa hirap.

Sa kasakukuyan nga ay malaki ang pasasalamat ni Rita Gaviola sa kasikatang kanyang natamo ng bansagan sya bilang si Badjao Girl.


Kung noon daw bago pa man sya makilala ay kinakailangan niyang mamalimos para lamang sa pangkain sa araw araw, ay iba na ang estadong ito nila.

Maayos na raw ang kanilang tahanan at hindi na nya kailangan pang mamalimos at mamroblema para kakainin nila sa pang buong araw.



Narito ang kanyang mensaheng pasasalamat sa lahat ng magagandang pangyayaring tinatamasa nga sa kasalukuyan.

"Naalala ko pa noong araw na makuhanan ako ng larawan na ito, di ko mawari aking nadarama  may takot saking isipan,  at konting sayang nararamdaman dahil sa oras na yun di ko alam ang mga posibleng mangyari sakin."

"Ngunit dumating na ang mga diko inaasahang pangyayari yoon po ngayon ang aking pinapasalamat unang una po sa ating puong may kapal at pangalawa kay kuya Topher na kung di dahil saknya di mangyayari ang lahat lahat ng ito."

"Sa patuloy po na sumusuporta sakin moral at financial support kay mami Grace na andyan lagi para sakin,at sa lahat lahat po ng sumusuporta at nag titiwala sakin maraming maraming salamat po, Mahal na mahal ko po kayong lahat. ❤😭😘😘😘"

Sa ngayon aktibo pa ngang nasusubaybayan si Rita Gaviola aka Badjao Girl sa kanyang Instagram Account na may higit 155K Followers na.

All Photos credit to Topher Quinto Burgos and Rita Gaviola.