Huling Vlog na na-shoot ni Lloyd Cadena, inilabas na, pasasalamat sa Vlogger bumuhos

Huling Vlog na na-shoot ni Lloyd Cadena, inilabas na, pasasalamat sa Vlogger bumuhos

Huling Vlog na na-shoot ni Lloyd Cadena, inilabas na, pasasalamat sa Vlogger bumuhos

 Ginulat nga ang buong Social Media World ng balita ng pag panaw ng original at matuturing na first legit vlogger ng bansa na si Lloyd Cadena nitong September 04'2020.

Bumuhos ang pagdadalamhati ng kanyang followers lalo na ng mga malalapit na kaibigan ng opisyal na ipinahayag ng pamilya ni Lloyd ang kanyang pagpanaw sa kanyang official Facebook Page account.

Hindi nga inaasahan ng nakararami ang maagang pagpanaw na ito ng paboritong Vlogger ng bayan dahil napakabata pa nito sa edad na 26 years old.

Ilang araw matapos ang pagkumpirma sa pagpanaw ni Lloyd ay ipinahayag ng pamilya nya na pumanaw sya sa pamamagitan ng Cardiac Arrest at pinalala pa ng pandemic Covid-19.

Sa pagpanaw ngang ito ni Lloyd ay nagdalamhati ang Social Media Vlogger World kung saan tanging hinagpis at lungkot ang kanilang tanging nagawa sa pagpanaw ni Lloyd, kabilang sa mga nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya ang ilan sa mga malalapit nyang kaibigan pagdating sa larangan ng pagba Vlog.

Hindi napigilang umiyak ng Beauty Vlogger na si Michelle Dy ng malaman nya ang balitang pagpanaw ng kanyang kaibigang si Lloyd. Maging si YouTube Star Madam Ely na matalik na kaibigan ni Lloyd ay nagbigay din ng pagdadalamhati sa pamilya nito.

At ngayon ngang araw (Sept.20) mahigit dalawang linggo mula ng pumanaw si Lloyd ay napagdesisyunan ng pamilya nito na ilathala ang pinaka huling Vlog ni Lloud Cadena na ayon pa sa video ay kanyang nakunan noon pang August 27'2020.

Ang nasabing huling Vlog ni Lloyd Cadena ay patungkol sa pang a unboxing nya sa mga kagamitang binili nya para sa kanyang bagong bahay.


Panoorin ang nasabing Vlog nya rito: