Matapos ang isang bahagyang health scare at pagpapahinga, muling sumabak sa international fashion scene si Heart Evangelista sa kanyang pagbabalik sa Paris Fashion Week.
Sa kabila ng pagdadaanan sa kalusugan mahigit isang linggo na ang nakalipas, kung saan isinugod siya sa ospital matapos makaramdam ng hindi maganda, kumpirmadong fit to rampa na ulit ang fashion icon ayon mismo sa kanyang doktor.
Handang-handa na si Heart para sa Paris Haute Couture Week Fall/Winter 2026-2027 na magaganap mula July 6 hanggang July 9, na dadaluhan ng 30 kilalang fashion houses kabilang na ang pinakahihintay na couture collection ni Matthieu Blazy para sa Chanel.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Heart ang isang fitting session para sa Chanel na may caption na “YOLO (You Only Live Once),” na sinamahan niya ng mga emoticon ng orange, syringe, at clinking wine glasses—pahiwatig ng kanyang pag-prioritize sa kalusugan at self-care.Ayon kay Heart, mas maingat na siya ngayon sa pagpili ng mga dadaluhang events, at tanging mga mahalaga na lamang ang kanyang bibigyan ng oras. Hindi na rin siya dumalo sa Paris Men’s Fashion Week, kahit na inimbita siya, bilang bahagi ng kanyang bagong diskarte para sa work-life balance.
Bukod sa fashion week, abala rin si Heart sa kanyang hosting duties para sa “The People Have Spoken” na napapanood tuwing Sabado sa GMA 7. Bago pa ang Haute Couture Week, dumalo si Heart sa 75th anniversary ng luxury fashion house na Max Mara sa Shanghai, China, kung saan nakasama niya sina Katie Holmes at Michelle Yeoh.
Daladala ni Heart sa Paris ang kanyang sariling alahas na siya mismo ang nagdisenyo gamit ang iba’t ibang gemstones, na ngayon ay patok sa mga international fashion influencers. Namataan din siya sa fitting ng gown para kay Stephane Rolland, isa sa mga prominenteng French haute couture designers at opisyal na miyembro ng Fédération de la Haute Couture.
Sa isang matapat na social media post, ibinahagi ni Heart ang kanyang natutunan mula sa health scare: “I don’t like romanticizing certain situations but it was one of my hardest wake-up call. Health is wealth. Don’t work for the approval of others. Work for yourself. I am so done giving 200 percent just to please the ones who never liked you to begin with. I will work to make me happy and for my own personal purpose,” aniya.
Taun-taon, dinadagsa ng mga kilalang personalidad ang Paris Fashion Week. Sa taong ito, kabilang sa mga dumalo ay sina Zendaya, Lisa (Blackpink), Dua Lipa, Rihanna, Kate Moss, Nicole Kidman, at Penélope Cruz. Ang Paris Fashion Week ay may iba’t ibang schedule para sa Men’s at Women’s collections pati na rin sa Haute Couture.
Ang tuloy-tuloy na tagumpay ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week at sa iba pang mga global fashion events ay patunay ng kanyang sipag, dedikasyon, at pagiging inspirasyon hindi lamang sa larangan ng fashion kundi para sa buong Pilipinas.