Naglabas ng saloobin ang aktor at dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Will Ashley laban sa mga bashers na patuloy na nagpapadala ng masasakit at nakakabahalang mensahe sa kanya, pati na rin sa kanyang pamilya. Sa isang matapang na pahayag, ibinahagi ni Will na nakakatanggap siya ng mga mensahe na naglalaman ng masasamang hangarin, lalo na para sa kanyang ina.
“I’ve been getting a lot of messages saying they hope my mom dies. Bakit umabot tayo sa ganyan? Last week lang, nagkaroon ng online reflection about bullying and mental health, tapos lumala this week?” emosyonal na pahayag ni Will. Aniya, ginagawa lang nila ang kanilang trabaho pero tila nawawala na raw ang moralidad ng ilan sa social media. “Wala kaming ninanakaw, wala kaming sinasaktan o tinatapakan, lalo na ang pamilya ko. Save your outrage for people who are doing evil, not people who are just making art,” dagdag pa ng aktor.
Hindi rin napigilang maglabas ng sama ng loob si Will para sa kanyang mga kaibigan na nadadamay din sa isyu. “Bakit sila nadadamay? Pati support system who keep us afloat and are there during the private moments of our lives, nadadrag ng walang dahilan. And this isn't just happening to me, pati sa ibang housemates. We built a strong bond in the house, hindi nyo ito masisira,” paliwanag niya.
Ipinunto rin ni Will na hindi lahat ng ginagawa nila ay PR move. “We are humans too. 4 months kaming magkakasama, supporting each other every day through some of the toughest days of our lives, so obviously close talaga kami. Sana all the fans, including the very few of mine na gumagawa nito, let's tone it down please. Lahat kami we are just working for our dreams. Lahat kami mahal ang trabaho namin,” aniya.
Kumukonsulta na umano ang aktor sa legal na paraan para maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa patuloy na hate messages. “I am consulting now for legal options in case this doesn't stop. I don't want to tolerate this hate anymore na ibinabato nyo sa kahit sino. Not me, not my friends and especially not my family,” giit ng aktor.
Nagpasalamat din si Will sa mga tunay na tagasuporta at fans na patuloy na nagmamahal at nagtatanggol sa kanya sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos. “Thank you to my fans who fight for me kahit minsan mahirap. Maraming salamat sa pagsama pa rin sa akin sa journey ko, kayo ang lakas ko. Know I appreciate you all and mahal ko kayong lahat,” taos-pusong pahayag niya.
Nagbigay naman ng suporta ang mga fans sa nasabing post. Komento ng isa, “We love you, Will. Despite all the noise, chaos, and the harmful intents, please be reminded that the love and support from us and those people that value and appreciate you will reign over those who throw rocks at you and to those you love the most.”
“We’re truly saddened to see you and Mommy Mindy receiving all these below-the-belt comments, even to the point of people wishing harm. No one deserves such hate. We know how genuine and good-hearted you both are, and everything you do comes from love — for your family, your craft, and the people who support you. Please don’t hesitate to take legal action if needed; we fully stand with you and will support you every step of the way. Sending you both our love, strength, and prayers,” wika ng isa pang fan.
Patuloy namang umaasa si Will at ang kanyang mga taga-suporta na matapos na ang ganitong klase ng cyberbullying at mas manaig ang pag-uunawaan at pagrespeto sa bawat isa.
