Dating PGT Finalist na si Joven Olvido huli at kulong sa isang buy bust operation

Dating PGT Finalist na si Joven Olvido huli at kulong sa isang buy bust operation

Dating PGT Finalist na si Joven Olvido huli at kulong sa isang buy bust operation
- Nadakip nga ang dating PGT Finalist na si Joven Olvido matapos mahulihan ng droga

- Sa isang buy bust operation ay nahulihan ito ng drugs na kaniyang ibinibenta

- Nakilala ito sa PGT sa kaniyang vape tricks kung saan naging dahilan kung bakit napabilang siya sa ilang pelikula

Huli at ngayo’y nakakulong na ang isa sa mga naging Pilipinas Got Talent Grand Finalist na si Joven Olvido.

Ayon sa report ay nahuli sa isang buy-bust operation si Joven sa Sta. Cruz Laguna nitong nagdaang biyernes.

Sa paunang ulat ng Laguna Provincial Police, nakatanggap sila ng sumbong ukol sa umano’y ilegal na gawain ng suspek na si Mark Joven Olvido. 

Nakipag-ugnayan ang isang pulis kay Joven na nagpakilalang bibili ng ipinagbabawal na gamot sa kaniya, at matapos nga ang pakikipag transaksyon kay Joven ay agad itong hinuli at dinampot ng mga otoridad.

via PEP. PH

Nakuha sa kaniya ang tatlong maliit na sachet ng ipinagbabawal na gamot kasama ang buy-bust money na P2,000.

Agad nga siyang dinakip ng mga otoridad at ikinulong sa Sta. Cruz Municipal Police Station.

Nakilala nga si Joven bilang isa sa pinaka-pinanood sa hit talent show na Pilipinas Got Talent kung saan nagpakitang gilaw ito.

Nakilala siya bilang “vape master” dahil sa kanyang talento sa pag-vape. Naging finalist siya sa Pilipinas Got Talent noong 2018.

via ABS-CBN NEWS

Matatandan pa ngang isa siya sa mga kinagiliwan ng judges lalo na ni Vice Ganda dahil sa nakaka-aliw na mga vape tricks niya.

Bukod sa nga nakaka-aliw ngang vape tricks niya ay magaling din itong magpatawa at magpasaya ng manonood.

Dahil sa angking galing nito sa pagpapatawa ay napabilang siya sa ilang sikat na pelikula kung saan lalo siyang kinagiliwan ng marami.

Napabilang din siya noon sa teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ ni Coco Martin, ngunit nakakalungkot na matapos ng tinamasa niyang ito ay nauwi pa rin siya sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.