What is YouTube Without Lloyd Cafe Cadena?

What is YouTube Without Lloyd Cafe Cadena?

What is YouTube Without Lloyd Cafe Cadena?

 

Limang taon na ang lumipas mula nang magluksa ang buong YouTube community sa pagpanaw ng nag-iisang Lloyd Cafe Cadena, isang pangalan na hanggang ngayon ay hindi kumukupas sa alaala ng milyon-milyong Pilipino.

Sa gitna ng COVID pandemic, September 4, 2020, isang post sa kanyang social media account ang gumulat sa lahat:

"It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time." 


Marami ang umasa na prank lamang iyon, sapagkat uso ang 'prank content' noong mga panahon na iyon. 


Pero ilang oras lang ang lumipas, isa-isa nang naglabasan ang mga tribute at pamamaalam mula sa kanyang mga kaibigan at kapwa content creators.



“You were the first YouTuber I collaborated with! Sad we wouldn’t be able to make another one. Heaven gained another angel. You will surely be missed. Thank you for sharing your content to make people smile and happy! Rest in peace, Lloyd CafĂ© Cadena,” ani Ranz Kyle.




“Marami kaming napasaya at napatawa mo. We will miss how your laugh can make us laugh. We will miss you…,” pamamaalam ni Alex Gonzaga.



"What is youtube without you?" Caption pa ni Donnalyn Bartolome.



Maging ang iniidolo niyang si Mariah Carey, nagpaabot ng pakikiramay: "So sad. RIP Lloyd, you will be missed. Sending my prayers to his family and friends during this difficult time.”


Taong 2010 nang magsimula si Lloyd sa YouTube, pinuno niya ng kulay at aliw ang Community sa pamamagitan ng kanyang mga parody videos, LC Learns, Luto-baninat, 12 Days of Christmas, at higit sa lahat ang iconic niyang mga vlogs tungkol sa buhay ng iskwater.


Nakaipon siya ng 8 million subscribers sa YouTube at higit 5 million followers naman sa Facebook noong mga panahong pumanaw siya. Pero higit pa sa bilang ng views at likes, nakilala siya bilang isang mabuting tao, matulungin, at tunay na kaibigan. 


Binuo niya ang grupong Bakla ng Taon  (BNT) Productions na binubuo lamang ng kaniya mga batang kapitbahay sila Aye, Joevin, Limuel, GM, Jessica, Jeco, Andrew, at Balong. Kasama rin niya ang matagal na niyang kaibigan na sina Madam Aivan, DJ Kara, at Madam Ely. Lahat na mga ito ay naging successful na rin sa content creation tulad niya.



Nakikipag-collab din siya sa mga small content creators noon tulad nina Erika Embang, Mark Reyes, Kyo Quijano, at Jiro Morato upang matulungan silang makilala at ngayon ang mga ito ay kilala na rin sa industry. 



"Napaka-humble, down to earth, totoong tao sa sarili... May busilak ang kaniyang kaloob, sana maging masaya ka d'yan," pahayag ni Erika. 


Bukod sa aliw na dala niya online, tumatak si Lloyd sa kanyang pagiging mapagbigay. Tuwing Pasko, mayroon siyang programang “12 Days of Christmas” kung saan namimigay siya ng regalo sa mga Pilipino.




Mayroon din siyang charity program na "Para sa mga Bata" kung saan tumutulong siya sa mga kabataan.





Bago siya pumanaw, binilhan niya ang pamilya niya ng bahay at lupa, namigay pa siya ng tablet, relief goods para sa kapitbahay, at PPEs naman para sa mga frontliners.


Naging malaking bahagi ng social media community si Lloyd Café Cadena. Nang mabalitang wala na siya, tila huminto ang mundo para sa napakaraming netizens na iniidolo siya.


Ngunit kahit limang taon na ang lumipas, nananatiling buhay ang kanyang alaala sa kanyang mga video, sa kanyang kwento, at higit sa lahat, sa mga tawa at ngiti na iniwan niya sa milyon-milyong tao. 


Nawala man siya, pero hindi kailanman mabubura ang bakas at halakhak na iniwan niya at sa bawat ngiti at tawanan, lagi at lagi nating maririnig si Lloyd Cadena. Gusto mo 'yon?


- Carlos Aragon