Ogie Diaz may hirit kay Anne Curtis, "Baka magtampo na po si Ogie Alcasid"

Ogie Diaz may hirit kay Anne Curtis, "Baka magtampo na po si Ogie Alcasid"

Ogie Diaz may hirit kay Anne Curtis, "Baka magtampo na po si Ogie Alcasid"
- May nakakatawang hirit si Ogie Diaz kay Anne Curtis

- Sa kaniyang Instagram account ay may ibinahagi kasing litrato si Anne Curtis

- Imbes kasi si Ogie Alcasid ay si Ogie Diaz ang tinag nang aktres sa kaniyang post

Viral at kinaaliwan ng netizens ang naging palitan ng kumento nina Ogie Diaz at Anne Curtis sa Instagram post ng huli.

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng ilang litrato ang It's Showtime host na si Anne Curtis na kuha mula sa kakatapos lamang na birthday celebration ng kaibigan at kapwa It's Showtime host na si Vice Ganda. 

Kabilang sa naturang mga litrato ay ang kaibigan at kapwa It's Showtime host din na si Ogie Alcasid, ngunit imbes kasi na siya ang ma tag ay na tag ni Anne ay ang showbiz reporter na si Ogie Diaz.

Dahil dito ay nagkumento sa naturang post si Ogie Diaz.

"baka magtampo na po si Ogie Alcasid , ako na naman po ang itinag nyo," kumento ni Ogie Diaz.

"HAHAHAHAHA! Omg ayan nanaman po sya!," mabilis na reply ni Anne.

Matatandaang nagkamali na rin noon ng pag tag si Anne Curtis kay Ogie Diaz na kapwa tinawanan ng dalawa ang pangyayari.