Ogie Alcasid, ichinikang napagkamalan siyang si Piolo Pascual: “nagpa-picture sila”

Ogie Alcasid, ichinikang napagkamalan siyang si Piolo Pascual: “nagpa-picture sila”

Ogie Alcasid, ichinikang napagkamalan siyang si Piolo Pascual: “nagpa-picture sila”
- May nakakatuwang chika si Ogie Alcasid patungkol sa grupo ng mga delivery riders na inakalang siya si Piolo Pascual

- Nauna rito, nagbigay saya si Ogie sa mga kalsada upang magbigay sa mga madlang people ng mga prizes

- Isa sa mga nabigyang papremyo ng singer ay si kuya Danilo na isang mangangalakal

Masayang-masaya ang mga madlang pipol sa pamimigay ng Kapamilya singer na si Ogie Alcasid ng halos ₱40,000 na nalikom ng It's Showtime hosts para sa isang segment ng Kapamilya noontime show. 

Sa segment nilang “Palarong Pang-Madla”, nag-ikot-ikot si Ogie sa mga kalsadang malapit sa building ng ABS-CBN upang makahanap ng mga taong magbibigyan niya ng pa-premyo. 

Dinagdagan pa ng ni Ogie ang nalikom na pera ng Showtime hosts upang maging mas masaya ang madlang people. Isa sa una na niyang nabigyan ay si Danilo Laude na isang mangangalakal. Laking tuwa niya dahil wala pa raw siyang benta noong araw na iyon. 

Pagkatapos makakuha ng ₱14,000 si kuya Danilo, nabiyayaan din ng 14k si Manilyn Recto. Komento ni Ogie, “Yung isang babae kasi lagi kong nakikita ‘yun dahil lagi akong namimili doon. Lagi ‘yun nakahiga doon, nagbabantay ng mga sasakyan. So sabi ko, ‘isang araw ‘pag ako ‘yung nabunot, pupuntahan ko ‘yung babaeng ‘yun.” 

Malaki rin ang pasasalamat ng mga grupo ng delivery riders dahil sa tulong ni Ogie. Halos buong araw na raw silang walang orders dahil holiday pa noong araw na iyon. 

“So walang nag-book sa kanila. Una kasi nagpa-picture sila sa akin, akala nila si Piolo Pascual ako… Sabi ko, ‘may nag-booking na ba sa inyo? Wala pa po eh, buong araw… Sabi ko ako na ang mag-book sa inyo.’ Tuwang-tuwa sila,” chika ni Ogie.