Kris Aquino hilig pa rin ang online shopping kahit nasa ospital: "Wala bang batas sa ospital na..."

Kris Aquino hilig pa rin ang online shopping kahit nasa ospital: "Wala bang batas sa ospital na..."

Kris Aquino hilig pa rin ang online shopping kahit nasa ospital: "Wala bang batas sa ospital na..."


 - Hindi pa rin natitigil ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang hilig sa pago-online shopping kahit 'nakaratay' sa ospital

- Ito ay ang bagong showbiz update sa 'Showbiz Now Na' YouTube channel na pinangungunahan ni Cristy Fermin

- Nag-aalala pa rin sila sa kalagayan ni Kris dahil tila active pa rin ito kaka-cellphone kahit na kailangan na muna nitong magpahinga

May bagong update ang 'Showbiz Now Na' sa nag-iisang Kris Aquino sa lagay nito habang nagpapagamot sa loob ng ospital.

Sinabi ni Morly Alinio na kahit kabi-kabila ang gamutan ni Kris sa Amerika, 'di pa rin nawawala ang hilig ni Kris sa pag-order ng mga gamit online.

"Nasa ospital na't lahat si Kris, pero hanggang ngayon hindi pa rin matigil-tigil 'yung iba't ibang kwento tungkol sa kanya. 'Yung latest i-correct niyo ako kung ako ay nagkakamali pero ito po yung nakarating lang na balita sa amin. Hanggang ngayon daw po kahit nakaratay na sa hospital si Kris Aquino hindi pa rin daw po natitigil ang habit nito kao-order ng mga items online," aniya.

Para kay Cristy naman, "Alam mo dahil siya si Kris Aquino, pinagpipistahan siya. Ikalawa, dahil sikat na sikat siya, talagang hindi siya patitigilin ng mga ganitong kwento. At ikatlo, alam naman kasi ng buong mundo na si Kris Aquino ay mahilig talaga sa mga kagamitan na branded. "

Sabi naman ni Wendell, paano makakapag-concentrate si Kris sa gamutan kung nakatutok pa rin ito sa kanyang cellphone.

"Wala bang batas sa ospital na 'yun na bawal muna siyang mag-cellphone.'Wag muna siyang 'si ba? paano siya gagaling kung naka-concentrate siya sa cellphone niya?" hirit nito.

"Nakakapagbuo tuloy siya ng materyales na ipino-post niya na pinanggagalingan na naman po ng kung ano-anong isyu," dagdag pa ni Cristy sa sinabi ni Wendell.