Catriona at Sam, magiging intimate ang wedding sa 2024?

Catriona at Sam, magiging intimate ang wedding sa 2024?

Catriona at Sam, magiging intimate ang wedding sa 2024?
Nagbigay ng ilang detalye si Sam Milby sa kanilang nalalapit na kasal ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na gaganapin umano sa susunod na taon.

Sa interview niya sa ABS-CBN kamakailan lamang ay tinawag niyang magiging "intimate" ang kanilang planong kasal ni Catriona.

Ipinahayag din ng aktor na hands on sya pagdating sa preparation, pero hindi raw ito maihahambing sa kaniyang fiance na talaga namang napaka mabusisi.

Saad nya: "She’s much more of a planner than I am"

"I’m very excited. We have a great team helping us prepare. We are getting things ready. We are very excited," dagdag pa niya.

Nabanggit din ng aktor ang plano nya na super ready na raw syang magkaroon ng mga anak at bumuo ng sarili nitong pamilya, pero kailangan daw muna nila ienjoy ang company nila bilang mag-asawa.

"Ako, I am ready. I’m turning 40 next year,
We’re both excited to start a family, but it’s enjoying the marriage first.” ayon sa kaniya.

Kung matatandaan, nitong Oktubre nauna ng sinabi ni Catriona na "very strong" sya sa kaniyang "vision" para sa magiging wedding nila, pero isinasa-alang alang pa din nya ang gusto ng kaniyang mapapangasawa.

Ayon sa beauty Queen: “I have a lot of allowance for Sam because it’s both of our special day [since] it includes a lot of special people [in our lives],”

Noong Mayo, maaalalang ibinunyag ni Catriona na sa darating na 2024 na ang nakatakdang pag-iisang dibdib nila ng aktor.

Samantala, nakakalungkot man para sa dalawa ngunit hindi sila magkakasama sa darating na pasko, si Catriona ay magdiriwang kasama ang pamilya niya sa Australia habang si Sam naman ay kasama ang kaniyang Sister dito sa Pililinas.