Catriona Gray may mensahe sa kasintahang si Sam Milby para sa kaarawan nito

Catriona Gray may mensahe sa kasintahang si Sam Milby para sa kaarawan nito

Catriona Gray may mensahe sa kasintahang si Sam Milby para sa kaarawan nito
- Trending ang siyang mensahe ni dating Miss Universe Catriona Gray sa kaniyang kasintahan

- Marami ang kinilig dahil sa mensaheng ito nk Cat para sa nobyong si Sam Milby

- Sa kasalukuyan ay nasa Australia si Catriona kaya naman hindi nito makakasama si Sam Milby ngayong kaarawan nito

Trending at kinakiligan ng netizens ang maikli ngunit sweet message ni Catriona Gray para sa kaarawan ng kaniyang nobyong si Sam Milby.

Ngayon kasi ang kaarawan ni Sam Milby ngunit dahil kasalukuyang nasa Australia si Catriona Gray ay hindi nito makakasama ang nobyo.

Sa nasabing mensahe pa nga ni Catriona ay binuking nito na ayaw pala ni Sam nang 'birthdays' kaakibat ang paghingi na rin ng paumanhin dito.

"Happy Birthday my love @samuelmilby ! So sad I can't be with you today to celebrate (even though you hate birthdays ) but I'm so thankful I get to do life with you. ILYSM," caption ni Cat sa kaniyang post.


Matatandaang isang taon na rin mahigit nang unang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.