Sam Milby, napipikon kapag tinatanong kung kailan magpo-propose kay Catriona?

Sam Milby, napipikon kapag tinatanong kung kailan magpo-propose kay Catriona?

Sam Milby, napipikon kapag tinatanong kung kailan magpo-propose kay Catriona?


 - Sinagot na ni Sam Milby ang tanong kung napipikon siya sa mga taong nagtatanong nang paulit-ulit kung kailan siya magpo-propose kay Catriona Gray

- Inamin din niyang sa edad niyang 38 ay nae-excite na rin siyang magkababy dahil aniya'y hindi na raw siya bumabata

- Ayaw naman daw niyang sagutin ang tanong kung 'okay' kay Catriona ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak

Kasama ang Kapamilya actor na si Sam Milby sa mediacon ng Beautederm Corporation para sa launching niya bilang bagong ambassador ng produkto nilang galing Japan.

Kasama rin sa mga naimbitahan ang ilang mga entertainment journalist kaya naman natanong siya ng ilan kung napipikon nga ba siya sa tuwing tinatanong kung kailan siya magpo-propose kay Catriona Gray.

Aniya, hindi naman daw siya ganoong naiinis ngunit siguro raw kung masyado nang makulit ang nagtatanong.

“Hindi naman ako naiinis (kapag tinatanong tungkol sa pagpapaksal), I guess siguro kung masyado nang makulit,” sagot nito.

Ngunit kahit hindi pa sila kasal ay aminado naman siyang gusto na rin niyang magka-baby, "I do, I'm excited.

“Do I feel pressured? A lot of people are asking me that because karamihan ng mga kaibigan ko, they’re married, they have kids.”

Ayaw naman daw niyang sumagot para kay Catriona kung handa na itong magpakasal, at magkaroon ng sariling pamilya. “She’s still young, I don’t wanna answer for her but yes, napag-uusapan na namin,” sagot nito.

Kasama si Sam Milby sa hit primetime serye ng ABS-CBN sa 'A Family Affair', pagkatapos ng '2 Good 2 Be True', sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.