Jane de Leon, may 'blessing' na kay dating Darna Vilma Santos: "Ngayon, Jane, na sayo ang bato..."

Jane de Leon, may 'blessing' na kay dating Darna Vilma Santos: "Ngayon, Jane, na sayo ang bato..."

Jane de Leon, may 'blessing' na kay dating Darna Vilma Santos: "Ngayon, Jane, na sayo ang bato..."


 - May mensahe na si Vilma Santos para kay Jane de Leon ngayong lilipad na ang aktres bilang 'Darna' sa August 15 sa ABS-CBN

- Binigyan na nga rin niya ng blessing si Jane, ang pinakabagong Darna, dahil matatandaang gumanap din si Vilma bilang Darna noon

- Sa huli naman ay nanawagan si Vilma na suportahan ng tao si Jane de Leon at nangako itong gagawin niya ang kanyang 'best' para sa mga manonood

Ready na ready na ang Kapamilya star na si Jane de Leon para sa pagsisimula ng highly anticipated series na 'Darna' na magsisimulang lumipad ngayong August 15 na sasabak sa Primetime Bida ng ABS-CBN na papalit sa 'FPJ's Ang Probinsyano' ni Coco Martin.

Kaya naman game na game rin ang set ng grand mediacon ng serye ni Jane at may pa-red carpet din kahapon, August 8, sa loob ng Dolphy Theater ng ABS-CBN para sa casts ng Darna: The TV Series.

Hindi rin makapaniwala ang lead star ng Darna na may babati sa kanya at mag-aabot ng blessing. May mensahe kasi ang tinaguriang 'Star For All Seasons' na si Vilma Santos kay Jane ngayong isa rin si Vilma sa mga aktres na gumanap sa karakter ng iconic Filipino superheroine.

Sa presscon, ibinahagi ni Vilma ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang recorded video. “Si Darna ay isang local heroine na nilikha ni Mars Ravelo — babaeng matapang at handang ipagtanggol ang sinumang nangangailangan. I’m lucky enough na makagawa ng apat na ‘Darna.’”

"‘Yung pagiging Darna, relevant ‘yan, e, lalo na ngayon na napupuno tayo ng challenges sa buhay.

“Yung character niya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao, and faith that everybody can be Darna. As long as you’re willing to help other people, you’re considered a hero,” pahayag niya.

Aniya pa kay Jane, “Maraming nag-aasam na maging Darna. Icon na ‘yung character. Malaking, malaking karangalan ‘yan para sa isang artista na tulad ko na makaganap bilang isang Darna.

“Ngayon, Jane, na ikaw ang napiling Darna, bigyan mo sila ng inspirasyon na meron pa ring pagmamahal, meron pa ring tiwala, at meron pa ring pag-asa. Ang daming humawak ng batong ‘yan.

“Ngayon, Jane, na sa ‘yo ang bato. Pangalagaan mo iyang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon. I wish you all good luck. Nandito lang ako to support you,” dagdag pa nito.

Bago matapos ang kanyang video, nanawagan ito sa mga tao't 'Darnatiks' sa sana'y suportahan nila si Jane bilang Darna. 

“Ako po si Ate Vi, ang Darna ng mga nakaraang henerasyon. At ngayon po, inaanyayahan ko kayong suportahan ang Darna ng bago nating henerasyon, si Jane de Leon," sabi nito.

Hindi naman makapaniwala si Jane sa kanyang narinig at napasabing,“Ang aga ha! Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga nagtitiwala.

“Actually, hindi ko ini-expect na meron akong message from Tita Vilma Santos. Gagawin ko ang best ko para sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat po. Ang aga! Hindi ko in-expect."

Mapapanood ang 'Darna' simula ngayong Lunes, August 15, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at sa TFC WORLDWIDE.

Watch Vilma Santos statement here: