Sylvia Sanchez mahal na mahal si Maine Mendoza: "Matagal na kitang minahal..."

Sylvia Sanchez mahal na mahal si Maine Mendoza: "Matagal na kitang minahal..."

Sylvia Sanchez mahal na mahal si Maine Mendoza: "Matagal na kitang minahal..."


- Ikakasal na ang TV host na si Maine Mendoza sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde

- Masaya naman ang ina ni Arjo, si Sylvia Sanchez, dahil magiging opisyal na parte na ng pamilya nila si Maine

- Inamin naman niyang matagal na niyang itinuring na anak si Maine simula pa lang noong minahal nito si Arjo

Isang sweet na mensahe ang ibinahagi ng Kapamilya star na si Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook account.

Makikita sa kanyang post ang ginanap na bridal shower ng TV host at personality na si Maine Mendoza na nakatakdang ikasal na sa fiancé nitong si Arjo Atayde.

Umulan naman ng heart reactions ang post na ito ni Sylvia. Aniya, isa sa mga dasal niya ay sana'y makasundo niya ang pamilya ng mapapangasawa ni Arjo.

Hindi naman nabigo ni Maine ang hiling ng aktres dahil kitang-kitang ang closeness nilang dalawa.

"Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito," sulat niya.

Narito ang buong post: