Ogie Diaz, bibigyan ng premyo ang mga anak kung wala pang asawa sa edad na 25

Ogie Diaz, bibigyan ng premyo ang mga anak kung wala pang asawa sa edad na 25

Ogie Diaz, bibigyan ng premyo ang mga anak kung wala pang asawa sa edad na 25


 - Isang heartfelt Facebook post ang ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang mga followers patungkol sa kanyang pamilya

- Aniya, napag-usapan na raw nila na kapag wala pang asawa ang mga anak niya sa edad na 25 ay bibigyan niya ito ng regalo

- Ngunit kapag nag-asawa agad, nagka-anak, at gumigimik lang ay 'talak' ang aabutin nila

Tila nagkaroon ng isang realization ang showbiz manager na si Ogie Diaz sa kanyang mga anak na puro mga babae. Na-shock daw kasi siya sa bilis ng panahon na lumipas at malalaki na ito.

Pinaalalahanan niya ang mga anak niya na pahalagahan ang kanilang future at huwag sayangin ang kanilang buhay.

Lalo na't mga dalaga pa, sinabi ni Ogie na i-enjoy muna nila ang kabataan nila at huwag agad mag-asawa. Bibigyan pa nga raw niya ito ng premyo kung wala pa itong asawa sa edad na 25.

"That's why I told my daughters, "Pag 25yo na kayo at wala pa kayong asawa, meron kayong prize sa akin."  True yan. Nagtaka kayo? Wa echos. Usapan talaga namin 'yan ng mga anak ko, lalo na ni 21 at 19yo," hirit ni Ogie.

Hindi naman daw kasi maganda na iiwanan lang sa kanila ang anak habang gumigimik lang kung saan-saan.

"Kasi, gusto ko, i-enjoy muna nila 'yung kabataan nila, at least, hanggang 25yo sila.  Pangit 'yung maaga kang nag-asawa, tapos, iiwan mo sa amin ang anak mo, dahil gigimik ka?  Juice ko, talak ang aabutin mo sa akin, anak."

Narito ang buo niyang post: