Sanya Lopez, naki-Mini Ms. U Dance Challenge sa It's Showtime

Sanya Lopez, naki-Mini Ms. U Dance Challenge sa It's Showtime

Sanya Lopez, naki-Mini Ms. U Dance Challenge sa It's Showtime


- Trending ang naging pagbabalik ni Sanya Lopez sa It's Showtime stage

- Masayang nakilaro si Sanya sa segment nitong 'Rampanalo' at may isa pang special performance

- Masaya rin ang mga fans nito na magkasama ang unkabogable star Vice Ganda at GMA's First Lady of Primetime Sanya Lopez

Pangalawang beses nang tumatapak sa stage ng It's Showtime ang Kapuso star na si Sanya Lopez ngayong July.

Una nga rito ay ang guesting niya sa pilot episode ng Showtime unang araw ng pag-ere nito sa GTV, ang sister channel ng GMA Network.

Dahil sa partnership na ito ay naging posible ang guesting ng ilang mga Kapuso artists tulad nalang nina Sanya, Barbie Forteza, at Rayver Cruz.

Ngayong araw nga ay nagbalik-Showtime si Sanya dala-dala ang kanyang special performance na 'Love Me Harder' ni Ariana Grande at paglalaro sa segment na 'Rampanalo'.

Marami namang natuwa sa kanyang guesting at nag-trending pa sa Twitter.

Narito ang ilang tweets ng madlang people: