Rendon Labador, napikon sa 'steroid abs' resbak sa kanya ni Vice Ganda?

Rendon Labador, napikon sa 'steroid abs' resbak sa kanya ni Vice Ganda?

Rendon Labador, napikon sa 'steroid abs' resbak sa kanya ni Vice Ganda?


- Si Vice Ganda naman ang pinutakte ng self-proclaimed 'motivational speaker' na si Rendon Labador dahil wala na itong mai-content

- Dahil dito, tila may pasaring ang unkabogable star sa nakaraang episode nito sa It's Showtime na para umano kay Rendon

- Tila napikon naman si Rendon sa komentong ito ni Vice Ganda patungkol sa abs na puro 'steroids'

VIRAL ang parinig ng Phenomenal Unkabogable Kapamilya Box-office Superstar na si Vice Ganda na 'di umano'y para sa internet personality na si Rendon Labador.

Kaugnay nito ang naunang 'reaction' video ni Rendon sa eksena sa It's Showtime nina Vice Ganda at Ion Perez na kumakain ng icing gamit ang daliri.

Tila sumakit ang mata ni Rendon at cinall out ang It's Showtime host dahil sa ginawa nito, bagay na wala naman umanong masama ani ng mas nakararaming netizens.

Gayunpaman, pinutakte ng tagasuporta ni Rendon si Vice Ganda at nalait-lait pa ito dahil sa pagiging parte nila ng LGBT community. Napuno ng hate comments laban kay Vice ang comment section ng post ni Rendon.

Ngunit hindi naman nagpatinag si Vice Ganda dahil wala namang nakakatakot kay Rendon. Nitong July 29, Saturday episode ng It's Showtime ay pinaringgan nito si Rendon sa Philippine Television.

Aniya, "Ganun 'yung abs na walang steroids!" hirit niya nang magpakita ng abs si Ion Perez sa segment nilang 'Rampanalo'.

Ishinare naman ito ng isang Kapamilya page at tila'y napikon dito si Rendon.

Comment niya, "Ang mga kabayot ang nilalagyan ng steroids para lumakas. Nilalagay ito sa pamamagtan ng ION-jection."

Lumabas ang galit at poot ni Rendon sa mga 'bakla' sa 'kabayot' comment niyang ito. 

Narito ang naturang post: