Dennis Padilla, sinabing tila ayaw siyang kausapin ni Gerald Anderson; May hinanakit?

Dennis Padilla, sinabing tila ayaw siyang kausapin ni Gerald Anderson; May hinanakit?

Dennis Padilla, sinabing tila ayaw siyang kausapin ni Gerald Anderson; May hinanakit?


 - Nainterview ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla sa YouTube channel ni Ogie Diaz kamakailan

- Gusto niya raw makausap ang nobyo ni Julia ngunit tila nilalayuan siya ni Gerald sa tuwing nalalapit ang pagkakataon

- Gusto rin daw niyang ipaalala kay Gerald na hindi lang si Marjorie Barretto ang gumawa kay Julia dahil siya rin ang ama nito

Naglabas ng saloobin ang aktor at ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla sa recent vlog ni Ogie Diaz.

Dito ay naikwento niya kung paano siya tila iwasan at ayaw kausapin ni Gerald Anderson, ang boyfriend ni Julia.

Gusto raw niya kasing makausap ang aktor ngunit lagi nalang daw iniiwasan ni Gerald ang pagkakataon na sana'y magkausap sila.

"Dapat kausapin ako ni Gerald Anderson. Kailangan 'yon. Kung gusto talaga ni Gerald akong kausapin, dapat kinausap na niya ako. E hanggang ngayon hindiy niya ako kinakausap, eh," hirit ni Dennis.

Dahil dito, naibahagi niya pa ang ilang pagkakataon na nilalayuan siya nito. Tila wala na nga rin daw pakialam si Gerald sa kanya dahil aniya'y 'good shot' naman siya kay Marjorie Barretto.

"Siguro mas mahalaga sa kanya na good shot kay Marjorie, Pero sa'kin kahit bad shot siya okay lang. 'Yun ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung totoo 'tong nararamdaman ko pero ito ang nararamdaman ko. Parang okay na ako, good shot na ako kay Marjorie Barreto 'di bale nang bad shot ako kay Dennis Padilla."

"Ako lalake ako. Kung ako may syota at may girlfriend ako, at itong girlfriend ko kaaway yung tatay niya kahit ayaw ng girlfriend ko, kakausapin ko 'yung tatay niya. Baka nga plus point pa nga yun sa girlfriend ko. Bakit mo kinausap tatay ko e kagalit ko 'yun. Hiindi, bilang respteo sa tatay mo kaya ko ginawa 'yun. Baka lalong mapabilib girlfriend mo 'pag ginawa mo 'yun," dagdag pa ni Dennis.

Aniya pa, "Papaalala ko lang sa'yo na 'yang girlfriend mo, anak ko yan. Hindi lang si Marjorie gumawa diyan."