Pagkatapos sa SoKor, Melai kinagiliwan sa vlog sa Divisoria upang mamili ng school bag

Pagkatapos sa SoKor, Melai kinagiliwan sa vlog sa Divisoria upang mamili ng school bag

Pagkatapos sa SoKor, Melai kinagiliwan sa vlog sa Divisoria upang mamili ng school bag


 - Pagkatapos ng trip nina Melai and family sa South Korea, nag-'Divisoria Shopping' naman sila upang mamili ng bag para sa school

- Kinagiliwan muli sila sa nakaka-enjoy na vlog dahil sa pagiging praktikal nito sa pagsho-shopping

- Nagpatawa naman si Melai at sinabing titingin rin siya ng sa kanya dahil 'di naman pwedeng wala siyang bag

Patok na patok sa netizens ang nakakatawang hirit ni Melai sa kanyang mga Instagram stories sa kanilang trip nila sa South Korea.

Kasama ni Melai sa kanilang trip ang kanyang mga anak at asawa nito. Enjoy na enjoy naman maliban sa kanila ang mga viewers dahil hindi nauubusan ng pagpapatawa ang pamilya nila.

Hirit pa ng netizens, sana'y mabigyan umano ng isang travel show si Melai dahil tiyak na maraming manonood sa masayang trip nila.

Ngayon naman ay 'Divisoria Shopping' ang trip ng mag-anak. Papalapit na raw kasi ang pasukan kaya't kailangan nang mamili ng bags.

Kanya-kanya silang namili ng bags para sa school ganun din si Melai na hindi nagpahuli sa kanyang mga bulilit.

Natuwa naman siya dahil maliban sa mura, ay magaganda ang quality ng mga bag na nakita nila sa Divisoria.

Narito ang buong vlog: