Lolit, may naisip na dahilan kung bakit hindi kasama si Janella Salvador sa front page ng Star Magic Catalogue

Lolit, may naisip na dahilan kung bakit hindi kasama si Janella Salvador sa front page ng Star Magic Catalogue

Lolit, may naisip na dahilan kung bakit hindi kasama si Janella Salvador sa front page ng Star Magic Catalogue


 - Nagviral ang tweet ni Janella Salvador dahil sa tila 'patama' nito sa Star Magic kung saan hindi siya nasama sa front page ng catalogue

- Maraming netizens ang nagsasabing deserve ni Janella ang maging bahagi ng front page dahil maliban sa pagiging loyal Kapamilya, marami na raw itong napatunayan 

- May hula naman si Lolit Solis kung bakit hindi nasama si Janella sa nasabing page ng Star Magic Catalogue

Viral sa online world ang Kapamilya star na si Janella Salvador dahil sa tweet nitong may kinalaman 'di umano sa Star Magic Catalogue 2023. 

Makikita kasi sa front page ng catalogue ang mga bigating Star Magic stars tulad nalang ng KathNiel, Joshua Garcia, Gerald Anderson, Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Arjo Atayde, Angelica Panganiban, Enchong Dee, Shaina Magdayao, John Arcilla, at Jane de Leon.

Ngunit hindi nakita sa nasabing pahina ang loyal Kapamilya star na si Janella Salvador kaya naman itinuturong ito ang dahilan kung bakit napa-tweet si Janella patungkol sa Star Magic gamit ang star at magic wand emoji.

Tila naintriga rin ang manunulat na si Lolit kung bakit nga ba hindi isinama ng Star Magic si Janella lalo na't marami na itong napatunayan sa aktingan, pagkanta, at sa entertainment industry.

May maikling post si Lolit sa Instagram upang ibahagi ang nakikita niyang dahilan. Aniya, baka raw kasi may anak na ang aktres o 'di kaya'y hindi na ito active member ng Star Magic.

"I was worried ng malaman ko Salve na hindi isinali si Janella Salvador sa catalogue ng Star Magic. Siyempre iisipin mo agad na baka dahil sa meron na siyang anak. O baka naman hindi narin siya itinuturing na active member ng Star Magic."

Narito ang buong post: