Dating 'Tawag Ng Tanghalan' contestant patay sa 'hit-and-run' sa edad na 28

Dating 'Tawag Ng Tanghalan' contestant patay sa 'hit-and-run' sa edad na 28

Dating 'Tawag Ng Tanghalan' contestant patay sa 'hit-and-run' sa edad na 28


- Patay ang dating Tawag Ng Tanghalan contestant dahil sa hit-and-run nitong Linggo, July 9

- Ayon sa balita ng ABS-CBN News, naganap ang insidente nitong Linggo nang madaling araw

- May pahayag naman ang pamilya ni Mariscal sa pagkamatay ng singer

Sumakabilang-buhay si Ken Mariscal, ang dating Davao Contender ng Kapamilya noontime program na It's Showtime, nitong Linggo nang madaling araw, July 9.

Ayon sa ABS-CBN News, naganap ang hit-and-run sa Cabantian Road sa Davao nang masagasaan ito ng puting sasakyan.

Passenger si Mariscal ng isang motorsiklo nang tumigil sila sa daan upang gumamit ng CR sa oras na 2:45 AM.

Ngunit nawalan naman ng balanse si Mariscal at nahulog sa daan habang umaalis ng motorsiklo. Hindi naman napansin ng puting sasakyan ang nangyari kaya't nasagaan ito.

Dead-on-arrival naman ang singer nang dalhin ito sa SPMC o Southern Philippines Medical Center.

Samantala, nag-release naman ng pahayag ang pamilya ni Mariscal sa nangyari.